10.

44 9 1
                                    

"... habang maaga'y huwag na raw akong umasa, anak niya'y aalis na papuntang Canada..."

— tindahan ni aling nena, eraserheads.

10. Ang Canada ni Julie

---

KAHIT utos ni Nanay na magbantay ako sa tindahan — at nagtataka akong sinigawan nang makita akong kumakaripas, nagkulong na lang ako sa kuwarto. Hawak-hawak ang dibdib kong ang lakas ng kabog.

"Ginagawa mo?" Napalingon ako kay Rowena. Pinukulan niya ako ng takang tingin niya.

Umiling ako. "Wala."

Nagulat ako nang bigla na lang niya akong binato ng unan. Sakto sa mukha ko. Adik talaga.

"Bakit ba ganiyan itsura mo?" aniya. "Nakakita ng multo, 'te?"

Umirap ako bago bahagyang umupo sa tabi niya. "Wala," usal ko.

"Share ka na kasi!" protesta niya. "Anong score niyo ni Inggo boy?"

Seryoso ko siyang tinitigan. Agad niya namang tinaas ang kanang kamay para mag-peace sign. Adik.

"Pa'no kayo nagkakilala?" panggagatong niya. "Sige na, 'yon lang, e!"

"Bakit ba tanong ka nang tanong?"

Bahagya siyang humagikhik. "Bakit ba? Ang dali lang naman sagutin, ah!" pang-aasar niya.

"Sa terminal sa bayan buwisit kasi pinag-trip-an ako sinabi ba namang boyfriend ko siya para lang makaalis na kami isa pa ang sabi may dalaw daw ako at dragon kung magalit kaya 'yung driver naman uto-uto isa ring maniyakis pinasakay na kami e siyempre nagtaka ako kasi hindi naman gano'n sa terminal natin e 'di bumaba ako —"

"Teka nga!" pagpapatigil niya. "Ang bilis mo, fast talk?"

"E sabi mo sabihin ko, e."

"Pero dahan-dahan naman, 'te!" aniya. "Jusmiyo."

"Ewan ko sa 'yo." Humilata ako sa kama. Muli palang lumakas ang ulan. Malamig, ang sarap matulog.

"Oh so ano nga?" pangungulit niya. "Sa terminal, tapos tinulungan ka niyang makasakay?" nangungusap ang mga mata niya.

"Correction: pinag-trip-an ako. Tumutulong pero buwisit naman — basta, ayoko na pag-usapan."

"Sabi mo, e."

Hindi na nga in-open ni Rowena ang topic tungkol kay Inggo. Buti naman, dahil tuluyan na rin ako mainis sa kaniya.

Bakit ba kasi puro sila Inggo? Naku po.

---

Hindi ko namalayang nakatulog na ako sa kakatunganga. Alas-sais na nang magising ako, madilim na ang paligid at wala na rin si Rowena sa tabi ko. Habang nag-iinat, kumalam ang sikmura ko — hindi nga pala ako nakakain nang mabuti kanina.

Lumabas ako para uminom ng tubig. Pagkarating sa kusina, nadatnan ko si Nanay — nagluluto. Nang dungawin at amuyin ko ang niluluto niyang pakbet, mas lalong kumalam ang sikmura ko. Gutom na ako!

Sa Susunod Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon