32.

23 4 0
                                    

"ilang ulit pa ba ang uulitin, oh giliw ko?"

ligaya, eraserheads.

32. Suyuan sa Piloan

---

UMALIS si Juliana kaya naiwan kaming dalawa. Nakatitig lang ako sa kaniya — diretso, walang kahit na anong emosyon sa pagmumukha ko kundi pagtataka. Siya, nakangiti lang.

"A-akala ko..."

"It's a prank!" bulalas niya bago humagalpak. "Upo ka muna, Juls." Iginiya niya ang couch nila, nauna siyang umupo roon.

Ako, naestatuwa na lang. Lalo na nang mahagip ng tingin ko ang wine at ilang putaheng nakahanda sa mesa nila. Idagdag pa na may kandila ang gitna ng hapag na 'yon.

Naging dim din ang ilaw. Hindi ko alam kung anong mararamdaman lalo na nang tumugtog ang isang pamilyar na kanta.

"Juls?" pero hindi ko siya magawang lingunin. Napatungo ako, doon nagsimulang tumulo ang mga luha sa mata ko.

Nag-angat ako ng tingin, diretso sa kaniya. "Para kang bata." Bago tumalikod at maglakad paalis. Pauwi sa bahay. Ni hindi ko na hinintay na pigilan niya ako dahil wala namang makakaawat sa akin.

Noon lang din — sa unang pagkakataon, hindi ako naapektuhan ng kantang tumutugtog: Ang Huling El Bimbo ng Eraserheads.

"Huy, bakit?" salubong sa akin ni Rowena pagkapasok ko ng kwarto. "Anong nangyari?"

Pero hindi ko siya sinagot. Hindi na rin siya nagsalita na mas nagpagaan sa pakiramdam ko.

Bakit ba ako umiiyak?

"Okay ka lang?"

Akala ko nakatulog na siya matapos ng ilang minutong pagtulala sa kisame. Binalingan ko siya, nakatingin lang siya sa akin. Bakas doon ang pag-aalala.

"Oo," usal ko bago hilain ang kumot sa paanan ko. "Okay lang ako."

Suminghap siya. "Ano ba 'yan, Juls, para tayong mga bata," aniya. "Si Inggo ba? Sabihin mo na kasi."

Iniwas ko ang tingin ko.

"Juls."

"Hindi ko na alam."

"Anong hindi mo na alam?" may pagkagulo sa boses niya. "Linawin mo, insan, anong nangyayare?"

"Apat na taon na, e," usal ko. "Ang tagal na ng apat na taon 'di ba? Sobrang haba na no'n."

"Mahal mo pa?"

Umiling ako. "Hindi lang maalis dito, e." Tinuro ko ang dibdib ko. "Hanggang ngayon nandito pa rin."

"Mahal mo nga?"

"Atsaka bakit ba siya nandito? Anong purpose niya bakit kailangan nandito siya?"

Bumuntong-hininga siya. "Juls, diretsahin mo nga," aniya. "Mahal mo pa ba siya?"

Nilingon ko siya. "Niloko niya ako."

Sa Susunod Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon