27.

17 5 0
                                    

"if we could only make it longer, the whole day would be fine."

— fine time, eraserheads.

27. Ako at Sila

---

AMINADO akong malapit na sa pagiging patapon ang buhay ko. Sabi nga ni Papa, wala akong kwenta. Tama naman ata siya. Well, hindi sarili ko lang ang masisisi, siya ang dahilan kung bakit ako nagkaganito.

Not until mapunta ako sa Piloan. Kung saan ko nakilala si Julie Magsaysay. Si Julie na nagpaintindi sa akin kung ano ba talagang purpose ko sa mundo. Kung ano pa bang kulang sa akin. Kung bakit kailangan kong magpatuloy.

Pero hindi ko naman inakala na aabot sa ganito 'yung nararamdaman ko sa kaniya. Na pipiliin kong tuluyang iwanan ang lahat ng responsibilidad ko sa Manila.

Na makakaya kong tiisin 'yung bunga ng isang gabi ng pagkakamali ko. Pucha.

"Babe, are you okay?" Tiningnan ko si Shara. Papalapit na siya sa akin.

Kung ilang beses ko nang pinigilan ang luha ko, hindi ko na alam. Pagkatapos ng huling pagkikita namin ni Julie sa airport two weeks ago, kasama ng basag kong phone at puso, pinili kong tumigil muna.

Panandalian.

Alam ko kung gaano kaimportante sa kaniya ang Canada. Pangarap niya 'yon, e. Pangarap nila ni Tita Divine. Kaya alam ko kung saan ako lulugar. Masakit, oo, pero kakayanin.

"Okay lang ako," sagot ko bago mag-iwas ng tingin. Dumapo na lang ang mga mata ko sa kamay niya na pumulupot sa baywang ko.

"Umayos ka, Jeroboam, buntis si Shara."

"Anak, bigyan mo siya ng oras. Makakasama sa baby kapag palagi siyang stressed."

"Para na lang sa bata, bro."

Suminghap ako bago magsalita. "Bakit gising ka pa? You should be asleep, sabi ng doctor 'di ba bawal ka magpuyat? Makakasama 'yan kay baby."

Mas humigpit ang yakap niya sa akin. "I just can't sleep, wala ka kasi sa tabi ko," sagot niya. "Can you please sleep beside me? Parang gusto ka katabi ni baby, e."

Napapikit ako bago siya alalayan pahiga. Hinayaan ko siyang yumakap sa akin.

"Good night, babe," bulong niya.

Hindi ako lumingon pero sinagot ko siya. "Good night."

Wala na akong narinig na reklamo. Hinayaan ko siyang makatulog bago bumangon para lumabas ng kuwarto. Hindi ako makatulog.

Naiisip ko si Julie. Ayos lang kaya siya doon? Nakarating na kaya siya?

"Bro, musta naman?" Tinapik ni Manuel ang iniinom kong beer. "Walwal ba?" Humalakhak siya.

"Gago," biglang singit ni Harry, maingat pang nilalagay sa bag 'yung gitara niya. "Walwal ka diyan, may baby na nga walwal pa rin?"

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. "Si Justin?"

"Isang beer din pre," usal ni Harry bago ako lingunin. "Hindi ka na nasanay, siyempre nambababae na naman — aray!"

"Pinagsasasabi mo, ah?" Sinapo ni Harry ang batok niya. "Nag-jingle lang ako, ugok."

"Malay ba namin?" ani Manuel. "Bro, una na kami."

"Sama ako."

Sabay-sabay na tumaas ang mga kilay nila.

"E, 'di ba kila Shara ka?"

Umiling ako. "Ngayon lang, ayoko muna umuwi."

"Magwawala 'yon, pare." Inakbayan ako ni Harry. "Hahanapin ka, baliw pa naman 'yon." Humalakhak siya bago damputin ang bag niya sa table.

Sa Susunod Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon