"maliit na butas lumalaki, konting gusot, dumadami."
— maling akala, eraserheads.
3. Si Inggo
---
KAHIT inis na inis na, hindi ko siya pinansin. Pasalamat lang talaga siya andito sila Amang, dahil kung hindi, baka itulak ko pa siya palabas ng bahay. Dumiretso na lang ako sa kuwarto. Pero wala talaga, sirang-sira na ang araw ko.
"Julie, kain na." Dumungaw si Nanay sa kuwarto. "Hinahanap ka ni Budd, pasalubong niya raw."
Tumango ako bilang sagot. "Sige po, bibihis lang, susunod na ako."
Habang kumakain — katabi ang kapatid kong kinukulit ang pasalubong niya, nahuli ko ang tingin ng maniyak sa akin. Pinandilatan ko siya ng mata, mas lalo akong na-imbyerna nang makita ko siyang tumatawa.
"Oh," usal ko kay Budd. Inabot ko ang pasalubong ko sa kaniya. "'Wag mo muna lantakan 'yan, baka ma-diabetes ka."
"Bibilhan mo 'ko ng matamis tapos ayaw mong ipakain sa akin?" nakanguso niyang reklamo. "Ano 'yon?"
Piningot ko ang tainga niya. "Ikaw talaga, wala akong sinabing 'wag mong kainin!" protesta ko. "Ang sabi ko, 'wag mong lantakan, hindi mo pa nga ubos 'yang kanin mo."
Sumimangot pa siya bago magpatuloy sa pagkain. Nang balingan ko ulit yung Inggo na maniyak, nakikipagtawanan na kila Amang at Uncle Jon. Naisip ko tuloy, uminom na sila kahapon tapos ngayon ulit. Siguro lasinggero 'tong lalaking 'to.
Palibhasa galing Manila, mga basag-ulo at maagang mulat sa gulo.
"Julie!" sigaw ni Nanay mula sa tindahan. "Juls, anak!"
Sapo-sapo ko ang dibdib ko pagkarating sa tindahan. Kumaripas pa ako ng takbo dahil sa pag-aalala, sasabihin lang pala niya na MVP siya sa Mobile Legends.
Naku po.
"Nanay naman," reklamo ko. "Nanggugulat naman po kayo!"
Humalakhak si Nanay bago ipakita sa akin ang phone niya. Sumimangot lang ako at inis na bumalik sa hapag. Nadaanan ko pa sila Amang na tinatawanan pa ako.
"Ito talaga si Julie, napaka-oa!" ani Amang. "Alam mo naman 'yang Nanay mo, simula nung nagloko si Tutie, nagpaka-adik na diyan sa... ano na uli 'yan?"
"ML po," singit ng maniyak. "Mobile Legends. Naglalaro ka, Juls?"
Tinaasan ko siya ng kilay bago tumalikod. Hindi ko na sila pinansin ulit kahit narinig ko pa siyang humalakhak. Nagpatuloy sa pagkain. Ang kapal ng mukha para tanungin ako nang gano'n. Close ba kami? Ni hindi ko nga siya kinakausap!
"Ate, kainin ko na please?" ani Budd. "Isa lang, promise."
Binuksan ko na para sa kaniya ang Cadberry na pasalubong. In-slice ko yung isa tapos binigay sa kaniya. Tuwang-tuwa siyang pumasok ng kuwarto. Napailing na lang ako habang naglalakad papuntang tindahan.
"'Wag kang dadaan diyan--"
"Aray!" Sinapo ko ang puwetan ko nang madulas sa basang sahig. Agad kong binalingan sila Amang. Nagulat ako nang nasa likod ko na si Inggo, tinulungan niya ako para makatayo na agad kong nilayuan.

BINABASA MO ANG
Sa Susunod Na Lang
HumorInspired by Eraserheads. Paasa. Update ng favorite mong author sa Wattpad. Crush mong pina-fall ka. 'Yung maliligo ka na sa ulan kaso hindi bumuhos. 'Yung maaabot mo na kaso biglang nawala. Pag-ibig na, naging bato pa. Pero anong magagawa natin? Sa...