26.

21 5 0
                                    

"far as the eye can see, nothing is meant to be, doesn't mean much to me."

— light-years, eraserheads.

26. Ang Paalam

---

ANG bilis talaga ng araw. Parang kahapon lang, two months pa bago ang alis ko. Parang kahapon lang, ang chill ko sa bahay kasi hinihintay ko lang na magdalawang-buwan. Parang kahapon lang ang saya ko na makakaalis ako pagkatapos ng dalawang buwan. Na sa wakas kapag October na, matutupad ko na 'yung pangarap ko. Na umpisa na ito ng unti-unting pagbayad namin sa mga utang mula nang mag-nursing ako.

Pero hindi, e.

Parang may mabigat kahit na alam kong ito na 'yon, oh, Canada na. In three days, makakaapak na ako sa Canada. Matutupad ko na 'yung pangarap namin ni Nanay, mabibigyan ko na sila ng magandang buhay.

Pero ang bigat talaga.

Siguro dahil nag-sink in na sa akin na ang layo ng Canada at ang tagal nga ng kontrata ko? Siguro dahil ma-mi-miss ko talaga nang sobra sila Nanay? Baka nga masyado akong na-overwhelmed ng mga iniisip ko dalawang buwan ang nakakalipas. O baka . . . may hinihintay?

Ano namang hihintayin ko?

Wala.

"Anak," usal ni Nanay. "Ma-mi-miss ka namin. Mag-ingat doon, ah? Lagi kang tatawag!" Yumakap na siya sa akin habang humahagulgol. Si Budd, nakasali na rin at halatang pinipigilan ang luha.

"Opo naman," paninigurado ko habang yakap sila. "Basta, ingat kayo lagi rito, ah? Budd, alagaan sila Nanay at Amang, 'wag pasaway." Hinaplos ko ang ulo niya.

"Oo, Ate." Nagsimula siyang magpunas ng luha. "B-basta p-pasalubong, ah?"

Napangiti ako sa sinabi niya. "Siyempre!"

Bumitaw ako sa kanila para balingan si Amang. Pinapanood niya lang kami pero alam kong gustong-gusto niyang sumama. Hindi nga lang niya magawa dahil sa kondisyon niya.

Nilapitan ko siya. "Amang, pagaling po kayo, ah?" bilin ko. "Gusto ko pagbalik ko rito, magaling ka na!" Pinilit kong ngumiti.

Tumango-tango naman siya na mas lalong nagpaiyak sa akin. Hindi ko na napigilan, yumakap na ako sa kaniya na sinamahan pa nila Nanay at Budd.

"Ingat ka doon, Juls," ani Uncle Jon.

"Opo, salamat." Ngumiti ako bago balingan sila Nanay.

Kumaway sa akin si Budd na hindi pa rin tumitigil sa kaiiyak. Nginitian ko siya at tumango para sabihing okay lang.

"Anak, tawag ka sa akin agad pagkarating niyo sa Manila, ah?" ani Nanay. "Doc, ingatan mo 'yang anak ko."

Napahagikhik si Doc Eleand. "Ofcourse, Tita," aniya. "Nothing to worry about, sagot ko 'to si Juls."

Habang papasakay sa kotse, hindi ko na ulit napigilan maiyak kaya tumakbo ako palapit kila Nanay. Yumakap ulit ako, kailangan ko talagang sulitin dahil matagal-tagal ko ring hindi magagawa. Apat na taon.

"Para sa atin 'to, Nanay," usal ko. "Para sa atin."

"Oo anak, salamat."

Sa Susunod Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon