13.

28 6 2
                                    

"buksan mo ang 'yong bintana, dungawin ang humahanga."

— harana, eraserheads.

13. Maria Clara

---

ALAS-KWATRO pa lang, dilat na ang mata kong tulala sa kisame. Si Rowena, naghihilik pa sa tabi ko. Ni hindi ko na nga alam kung anong oras sila dumating kagabi. Mga loko talaga, buti hindi sila hinuli ng mga tanod.

Maging si Amang na sasamahan ko papuntang ilog para mamingwit, naunahan ko pa sa paggising. Ewan ko, pinipilit ko namang bumalik sa pagtulog pero hindi umaayon ang dugo ko, gising na gising masyado.

Diretso ako sa kusina para magtimpla ng kape. Giniginaw ako habang nagsasalin ng mainit na tubig sa tasa. Halos wala pa nga akong maaninag kundi puting paligid.

Leche, ang aga nga masyado ng alas-kwatro. Ano ba 'yan, parang kikilabutan pa ata ako rito.

Minadali kong magtimpla para makabalik agad sa loob. Nagulat pa ako nang biglang may mga yapak papalapit — si Daryl pala, kagagaling lang sa  banyo.

"Ang aga mo, Juls," aniya na nangangamot pa ng mukha. "May pupuntahan ka ba? Hindi pa gising si Kuys Inggo." Bahagya siyang humikab.

Inirapan ko siya. "Ewan ko sa 'yo."

Humahagikhik lang siya pabalik sa kuwarto nila. Nailing na lang ako habang naglalakad pabalik sa loob. Umupo ako sa katabing upuan ng kama. Nang dungawin ko si Rowena, naglakagaway na siya. Napangiwi ako.

Tulala ako sa sumunod na mga oras. Nag-iisip ng mga bagay-bagay na nangyari.

Itutuloy ko pa ba 'to?

Hanggang pumatak ang alas-sais, hindi nasagot ang sarili kong tanong. Papasikat na ang araw nang dumungaw ako sa labas. Maliwanag na ang paligid, nag-iingay na rin ang mga alagang tandang ng kapit-bahay.

Lumabas ako ng kuwarto. Gising na rin si Nanay na nagsimula sa pagluluto ng agahan. Maging si Amang, nasa labas na rin, nagkakape. Hindi ko sila namalayan, masyado ata akong tulala para hindi marinig ang pagbubukas ni Nanay ng tindahan at pagwawalis ni Amang sa labas.

"Good morning," bati ko kay Nanay bago ilapag ang tasa sa lababo.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Kanina pa ako rito, ah," aniya. "Hindi naman kita nakitang nagtimpla ng kape, nauna ka bang nagising?" takang tanong niya.

"Opo, hindi ako makabalik sa tulog, e."

Tumango-tango lang siya. "Sige, intayin mo na 'tong niluluto ko para makakain ka na. Baka gutom 'yan."

Nailing na lang ako. "Sige po, do'n lang ako sa tindahan, baka may bumili."

"Good morning!" biglang sulpot ni Amang sa pintuan. "Tara na?" biro niya.

"Agad-agad, Amang?"

Humagikhik lang siya bago ako lagpasan. Tumuloy na ako sa tindahan para tumambay habang naghihintay na maluto ang almusal. Pinatong ko sa mesa ang phone ko para magpatugtog.

Puwede bang itigil mo na ang pag-ikot ng mundo...

"Sound trip, ah." Napalingon ako sa labas. "Pabili," aniya.

Si Inggo. Umagang-umaga, leche naman. Sana pala hindi na ako tumambay dito. Sira na araw ko.

"Ano?"

Bumuntong-hininga siya. "Sungit naman po." Ipinatong niya ang dalawang braso niya sa pasukan para dungawin ako. "Tatlong eggs, tatlong coffee tsaka —"

Sa Susunod Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon