2.

147 16 32
                                    

"Oh bakit pa ba may kulay ang tao? Hindi mo na alam, kung ano-ano, sino-sino."

kaliwete, eraserheads.

2. Si Julie

---

PAGKAMUHI. Para makita ang pagmumukha niya sa mismong teritoryo namin ay isang malaking dagundong sa mundo ko. Leche 'to ah, anong ginagawa ng maniyak na 'to rito?

"Hanla, 'di ba ikaw 'yung — bakit ka sumisigaw?!"

"Lumayas ka ritong maniyak ka!" Inambahan ko siya ng bote. "Ibabato ko 'to sa 'yo, sige!"

Bahagya siyang lumayo. "Teka lang naman," reklamo niya. "Bakit ka ba ganiyan?"

Kumunot ang noo ko habang nagngingitngit ang mga ngipin. "Tatawag ako ng tanod sige ka!" banta ko. "Lumayas ka sa harapan ko, stalker!"

Humagalpak siya. "Grabe ka naman, ano ka, chix?"

Hayop 'to ah.

"Ano ba 'yang ingay diyan, Juls?" rinig kong sabi ni Nanay. Pagkalingon ko, naglalakad na siya papalapit sa akin.

"Ito kasi 'Nay oh, maniyak," tugon ko. "Kanina pa 'to sa bayan, pinag-trip-an ako."

Nagbago ang timpla ng mukha ni Nanay. Bahagya niyang dinungaw ang lalaki sa labas. "Ay jusko! Napaka-poging binata! Pero maniyak ka?" aniya na sinapo pa ang bibig. "Taga-saan ka? Ngayon lang kita nakita, ah."

Mas lalong kumulo ang dugo ko. 'Nay! Na-argabyado ako!

Napahawak ang maniyak sa batok niya. Feeling inosente, e maniyak naman!

"Bisita po ako ni Uncle Jon," usal niya. "Galing po akong Maynila."

Tumango-tango si Nanay. "Gano'n ba? E, anong problema?" Binalingan ako ni Nanay. "Bakit ang lakas ng boses mo?"

Bumuntong-hininga ako bago sumagot. "Maniyak kasi 'yan 'Nay." Tinuro ko 'yung lalaki sa labas. "Kanina sa sakayan, pinag-trip-an ako, tas sabi niya boyfriend ko raw siya."

Humagikhik ang lalaki sa labas. Kitang-kita ang puti niyang ngipin na ang ayos sa pagkakagawa. Pantay lahat.

"Hindi naman po sa gano'n, Tita." Kumunot ang noo ko. "Tinulungan ko po kasi siyang makasakay nang mas maaga kasi matagal na po siyang naghihintay sa terminal e kaso nagalit po siya."

"Huwag mo ngang tawaging Tita ang Nanay ko," protesta ko bago balingan si Nanay tapos balik sa lalaki. "Hindi ka namin ka-ano-ano."

Marahan akong hinampas ni Nanay. "Huy, tumigil ka nga." Iginilid niya ako para mas makita niya 'yung lalaki. "Ah, hijo, pasensiya ka na sa anak ko — talagang ganiyan kasi 'yan, may pagka-OA."

"Nanay naman!" reklamo ko. "Maniyak 'yan e!"

Pinatahimik ako ni Nanay. "Ano bang bibilhin mo, 'Nong?"

Ngumiti 'yung maniyak bago sumagot. "Jeroboam po ang pangalan ko pero you can call me, Inggo," aniya. "Isang gin po, pinapabili ni Uncle Jon."

Sa Susunod Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon