"sana noon pa lang ay sinabi na sa iyo..."
— ang huling el bimbo, eraserheads.
35. Muli
---
NAGISING ako sa tugtog ng radyo. Pagkamulat ng mga mata ko, agad kong hinanap ang pasiyenteng inalagaan ko kagabi. Nakatulog pala ako sa kama niya.
"Magkahawak ang ating kamay~"
Naabutan ko siya sa baba, may hawak na spatula habang may inaayos sa speaker ng radyo niya. Nang magsalubong ang mga tingin namin, nginitian niya ako.
"Good morning!" masiglang bati niya bago umayos nang tayo. "Breakfast is ready, tara kain."
Hindi ko alam kung ano isasagot sa kaniya kaya naisipan kong ilihis na lang ang usapan. "Okay ka na?" tanong ko bago tuluyang bumaba ng hagdanan.
Tumango siya, nakangiti pa rin. "Oo, salamat sa magaling kong nurse." Humagikhik siya bago magsimulang maglakad papunta sa kusina. "Tara na, samahan mo na kami ni Juliana."
Umiling ako. "Ah, hindi na, sa bahay na —"
"Please?" Dumungaw ang anak niya sa kusina. "For me, Tita?"
Nang lingunin ko si Jero, nagkibit-balikat lang siya.
"S-sige," usal ko.
Kung tama ba o mali ang desisyon ko, ewan. Hindi ko lang matiis si Juliana.
Ulit, para kay Juliana.
"Ayaw mo?"
Tumango ako. "Iluto ko na lang ulit, ayoko talaga nang hindi luto." Pinilit kong magtunog nakakatawa. Kahit alam kong napaka-awkward nun.
Humagikhik siya. "Ako na lang," sagot niya na hindi ko na maawat dahil nauna na siyang tumayo.
"Hindi okay —"
"I insist, okay lang, Juls," aniya. "Ano ka ba?" Tumawa siya.
Tumango na lang ako bago siya panooring iluto ulit ang itlog na ulam ko. Pinasadahan ko ang ibang ulam na hinanda niya, para akong bibitayin. Masyadong marami para sa almusal.
"Tita." Kinalabit ako ni Juliana. "Can I call you, mommy?"
Wala naman akong kinakain pero nabulunan ako sa sinabi niya. Parang automatic na kailangang mapalingon ako kay Jero. At parang sinenyasan, nagkasalubong ang mga mata namin.
Na bigla kong iniwas.
Nakangiti siya.
"H-huh?" usal ko na parang hindi narinig ang sinabi niya kahit sa totoo lang, klarong-klaro sa pandinig ko ang lahat.
"Baby girl," ani Jero. "Kain ka muna, anak, mamaya na 'yan." Nilingon niya ako.
Tipid akong ngumiti para itago ang kabang naramdaman ko. Pinilit kong ituon sa pagkain ang atensyon ko pero mas nakakailang nga kung hindi ako magsasalita.
BINABASA MO ANG
Sa Susunod Na Lang
MizahInspired by Eraserheads. Paasa. Update ng favorite mong author sa Wattpad. Crush mong pina-fall ka. 'Yung maliligo ka na sa ulan kaso hindi bumuhos. 'Yung maaabot mo na kaso biglang nawala. Pag-ibig na, naging bato pa. Pero anong magagawa natin? Sa...