4.

79 11 14
                                    

"ngunit natanggal ang hiya nang makita ko na nakatawa ang dalaga."

— tindahan ni aling nena, eraserheads.

4. Angkas

---

SINCE elementary, sanay na ako na may inuman sa bahay. Lalo na dahil parehas na tomador sila Tatay at Amang — pero dati 'yon. Natigil lahat nang iwanan kami ni Tatay at nangibang-bahay (according to Nanay) pero hindi ako naniniwala, masyado siyang mabait sa amin lalo na sa akin. Ewan ko lang talaga.

Hindi ko nga alam kung matutuwa ba ako dahil hindi na mistulang beer house 'yung bahay o malulungkot dahil wala na kaming Tatay.

Pero 'yung may naglilinis ng pinag-inuman nila bukod kay Nanay, 'yon ang hindi ako sanay.

At ang mabilis na kabog ng dibdib ko.

Bago ako pumasok kinabukasan, nakasalubong ko siyang papunta sa tindahan namin. Hindi ko siya pinansin kahit na akmang magsasalita na. Nilagpasan ko siya at naghintay ng tricycle sa harap.

Alas-siyete na. Mukhang male-late ako ngayon sa duty ko. Naku po. Bakit kasi ang tagal ng mga tricycle rito?

"Sa bayan ka 'di ba?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla siyang magsalita sa likuran. Alam kong pulang-pula ang itsura ko ngayon at nagkaroon pa ata ng mini heart attack dahil sa kaniya.

"Ay." Nasapo niya ang batok niya. "Nagulat ba kita? Sorry." Nag-peace sign siya.

Kinalma ko ang sarili ko bago magsalita. "Bakit ba nambibigla ka?" pagsusungit ko. "Anong kailangan mo?"

Mahina siyang tumawa. "Umagang-umaga." In-spread niya ang mga braso niya. "Ang sungit mo naman, nagtatanong lang, e."

Itlog, tuyo at kape. 'Yon ang binili niya. Tinaasan niya ako ng kilay nang mapansing nakatutok ako sa binili niya. Agad kong iniwas ang tingin ko.

"Bayan ka 'no?" tanong niya.

Kumunot ang noo ko. "Bakit ba?" iritadong sagot ko. "At siyempre, oo, obvious ba?"

"Hatid kita," aniya. "Pupunta rin akong bayan, pinabili lang ako ni Tita ng almusal."

"Ayoko nga," usal ko. "Baka kung sa'n mo pa 'ko dalhin."

Humalakhak siya. "Ayan ka na naman, akala ko ba oks na tayo?" aniya. "Hays."

"Wala kang pakialam."

Muli siyang tumawa. "Sungit mo talaga," aniya. "Sige, sandali lang, bigay ko 'to kay Tita tas hatid na kita--"

"Pumayag ba ako?" agad kong tanong para putulin ang sinasabi niya.

Kumunot ang noo niya, bahagyang natigilan. "Hanep ka talaga," hindi makapaniwalang sabi niya. "Pero, kung ayaw mo, e 'di bahala ka." Tinalikuran niya ako. Gusto ko pa sanang magprotesta pero pinili kong tumahimik na lang.

Hindi ko kailangan ng tulong niya! Hindi niya ako kailangang ihatid. Wala akong pakialam!

"Psst." Napalingon ako sa likuran ko. Dala-dala na niya ang motor ni Uncle. Nakangisi siya habang iginigiya ito papuntang kalsada.

Sa Susunod Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon