9.

44 9 0
                                    

"sa ilalim ng iisang bubong, mga sikretong ibinubulong,
kahit na anong mangyari, kahit na saan ka man patungo."

minsan, eraserheads.

9. Sa Tindahan ni Nanay

---

LUMABAS kami ni Rowena nang mag-alas-dose. Nagtatawag na kasi si Nanay dahil naluto na ang mga isdang nahuli ni Amang kanina sa ilog.

Mukhang mapaparami ako ng kain.

"Tara na Juls, kain na."

Leche.

Nawalan ako ng gana. Bakit nandito siya?

"Oh, bakit natigilan ka diyan?" tanong ni Nanay. "Tara na rito, upo ka na."

Kinalma ko ang sarili ko — nawalan ako ng gana pero sige, ang bastos ko naman kung tatalikuran ko sila.

Umupo ako sa tabi ni Budd na pirmi sa pagtatanggal ng tinik sa isdang nakuha niya. Iba-iba kasi ang nahuli ni Amang pero ang maganda do'n, malalaki at matataba. Buti pa nga siya nakahuli, samantalang ako — wala ni isa. Hindi talaga para sa akin ang pamimingwit.

"Oh, favorite mo raw 'yan?" Napatitig ako sa plato kong nilagyan niya ng dalag. Nagulat pa ako kaya nagtataka ang mga tingin nila.

"Ayie," kantyaw ni Rowena. Sinimangutan ko siya at pumirmi sa sarili kong plato. Nagsimula akong kumain.

Madaldal silang kumain lalo na nagpapatawa si Inggo na ginagatungan naman nila Daryl. Ang bilis niyang makihalubilo considering halos kahapon lang sila nagkakilala.

Ako, tahimik lang sa gilid. Hindi ako natatawa. Naiinis pa nga ako.

Bakit kasi nakikisabay?

"Bakit ang tahimik mo?" Kinalabit ako ni Nanay. "Ayaw mo ba ng ulam?"

Agad ko siyang nilingon. "Ha? Hindi po, favorite ko nga po ito 'di ba?"

"E ba't ka nga tahimik?" singit ni Rowena. "Hmmm."

Epal talaga 'to kahit kailan. Mas lalo tuloy akong pinanood ni Nanay habang kumakain.

Naramdaman ko ring nakatingin sa akin si Inggo. Kaharap ko lang kasi siya sa mahabang mesa. Lalo lang akong nawalan ng gana sa pagkain. Pero inunti-unti ko na lang, kailangang ubusin.

Pagkatapos ng sampung minuto — na halos habang buhay na, natapos din kaming kumain. Kaniya-kaniya na, kami ni Rowena pasok sa kuwarto, 'yung mga boys nasa harap ng tindahan. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila pero sa tingin ko mag-iinuman na.

"Bakit sumabay sa atin 'yon?" tanong ko kay Rowena na busy sa pagbabasa ng pocketbook.

Binalingan niya ako ng nang-aasar na titig. "Bakit? Uncomfortable ba?" aniya.

Kumunot ang noo ko bago siya batuhin ng unan. "Hindi, naiinis lang. Ewan ko."

"Yie," usal niya. "Bahala ka nga."

Pumirmi siya sa pagbabasa. Hindi ko na rin siya ginulo dahil ayaw niyang maistorbo. Kinikilig pa siya nang balingan ko bago lumabas ng kuwarto para uminom ng tubig.

Pagkarating sa kusina, akmang pabalik na ako sa kuwarto nang maabutan si Inggo na kumukuha ng yelo sa ref. Bahagya akong natigilan nang tawagin niya ako.

"May kukunin ka?" tanong niya. Binalingon ko siya bago umiling. "E, bakit ka nandito?"

Umiling ako sa pangalawang pagkakataon. "Wala, bawal?" Tinaasan ko siya ng kilay na siyang nagpahagikhik sa kaniya.

Sa Susunod Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon