37.

20 5 1
                                    

"magda-drive ako habang buhay..."

— overdrive, eraserheads.

37. Roadtrip

---

NAAPEKTUHAN ako ng balitang hatid ng mga kabanda niya. Hindi ko alam, basta hindi na ako mapakali nang malaman na birthday pala niya ngayong araw.

Hindi ako 'yung may birthday pero, ewan.

"Juls, pwede iwan ko si Juliana rito?" tanong niya. "Punta kaming bayan, e."

Tumango ako. "Sige."

Sumilay ang ngiti sa labi niya pagkasagot ko. "Salamat."

Hindi naman mahirap alagaan si Juliana. Napakatahimik niya na parang hindi na nga kailangang bantayan. Pirmi lang siyang naglalaro sa sala habang nanonood ako sa TV. Napalingon ako sa kaniya nang umupo siya sa tabi ko.

"Tita," bulong niya. "Do you like my Dad?"

Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. Ni hindi ako nakasagot agad, pinasadahan ko pa ang paligid kung may nakarinig ba lalong-lalo na ang pinsan kong madaldal.

"Huh?" usal ko. "Bakit mo natanong?"

Ngumiti siya sa akin bago umiling. "Wala po, para po kasing you look better together." Bumungisngis siya.

"Ikaw, ang bata mo pa para sa mga ganiyan, ah," usal ko. "Hindi ko gusto si Daddy mo, dati —" napatigil ako sa pagsasalita.

Anong sinabi ko?

"Dati po?" Nakataas ang kilay niya. "You liked Daddy before?"

Umiling ako nang ilang beses. "Hindi, hindi ganun 'yon," usal ko. "Ang ibig kong sabihin may nagustuhan na ako dati, kaso naghiwalay kami, e." Pinilit kong ngumiti, alam ko mang hindi niya maiintindihan.

"Why po?" tanong niya.

"Basta, hindi pa para sa 'yo 'yung mga ganun," sagot ko bago siya ngitian. "Saka na lang kapag big girl ka na, ah?"

Tumango naman siya. "But seriously, my Daddy loves you," aniya. "

Hindi na ako sumagot, pero patuloy siya sa pagsasalita.

"One time po, he was dreaming about you," panimula niya na inaalala pa ang mga nasa isip. "I just don't get why is he saying sorry to you, did he away you po?"

Nagkibit-balikat ako. "Stop na tayo diyan, nood na lang tayo," pag-iiba ko ng usapan.

Tumango naman siya, hindi na ulit nagkuwento tungkol sa daddy niya.

Nakahinga ako nang maluwag.

Ewan.

Tapos na kaming mananghalian nang bumalik si Inggo para sunduin si Juliana. Hindi ko nga lang talaga alam kung anong isasagot nang ayain niya ako.

"Roadtrip?"

Bahagyang kumunot ang noo ko. "Huh? B-bakit?"

Humagikhik siya. "Bakit hindi?" aniya. "Please, birthday ko naman?"

"Really, Daddy?" masayang sambit ni Juliana na nagtatalon-talon pa sa tuwa. "Tita, sama ka!"

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Matapos mahagip ang tingin ni Rowena 'di kalayuan, nagdesisyon ako.

"S-sige."

Na ikinatuwa nilang mag-ama.

Handa na ako sa pang-aalaska ng pamilya ko. Pero sa roadtrip na kasama silang dalawa, hindi ko alam.

Sa Susunod Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon