"...yeah she was told that time is gold."
— julie tearjerky, eraserheads.
18. Ang Date
---
PUMAYAG ako na kumain kami para matigil si Budd. Alam kong magdamag niya akong kukulitin kapag hindi ako sasang-ayon sa gusto niya. Sakto, nagugutom din naman ako.
"Order mo, Juls?" tanong sa akin ni Inggo habang nakatayo kami sa counter. Pinasadahan ko ng tingin ang monitor. "Libre ko na," aniya.
"Huh? Huwag na, KKB na lang," usal ko.
Bahagya siyang umiling. "Ako na, I insist. Sige na, please?"
Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko nang ngumuso siya na parang bata. Agad kong iniwas ang tingin ko.
"Sigurado ka?" tanong nang hindi siya tinitingnan.
"Oo," aniya. "Sige na ako na, sabihin mo lang ano gusto mo."
Tumango ako. "Gano'n na lang sa order ni Budd." Tiningnan ko ang kapatid ko na pinapanood lang kami. "Hanap lang kami ng upuan," paalam ko kay Inggo.
Ngumiti siya bago sumagot. "Sige," aniya.
Tumalikod na kami para maghanap ng mauupuan. Nang makakita ng bakante sa 'di kalayuan, umupo na kaming dalawa ni Budd. Bahagya pa siyang sumandal na parang pagod na pagod. Ang arte talaga.
"Huy." Kinalabit ko siya. "Bakit ka nandito, ah?"
Tumaas ang kilay niya. "Sinusundo ka?"
Bahagyang nagsalubong ang dalawang kilay ko. "Ikaw talaga, inabala mo pa si Kuya Inggo mo ayan tuloy oh, siya pa manlilibre sa atin."
Mas lalong kumunot ang noo niya. "Nililigawan ka niya 'di ba? Ganiyan talaga, Ate."
Bahagya akong lumapit sa kaniya para mapingot siya sa tainga. Ang kulit talaga. Ang daming nalalaman. Kung ano-ano kasi tinuturo nila Daryl ayan tuloy, ang daldal.
"Aray, Ate!" reklamo niya. "Isusumbong kita kay bayaw!"
Bahagyang umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Bayaw?
"Bayaw, bakit ka sumisigaw diyan?" Napalingon ako kay Inggo. Hawak-hawak ang tray ng mga in-order namin. Nakataas ang dalawang kilay, nagtataka akong binalingan.
"Ito kasi si Ate, namimingot ng tainga," sabi ni Budd.
"Pinagsasabi niyong dalawa?" tanong ko. "Anong bayaw-bayaw kayo diyan?"
Humagikhik si Inggo. "E, future bayaw ko raw, e." Nag-apir pa silang dalawa na parang isang matibay na kasunduan ang ginawa.
"Ewan ko sa inyo."
Inayos ni Inggo ang mga order namin. Si Budd, pinagkiskis pa ang mga palad habang naghihintay. Loko talaga.
"Let's eat," ani Inggo. "Kain mabuti."
Nagsimula na kaming kumain. Tahimik, hanggang sa magsalita si Inggo. Buti naman, ang awkward kasi.
"Musta medical mo, Juls?" Napalingon ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Sa Susunod Na Lang
HumorInspired by Eraserheads. Paasa. Update ng favorite mong author sa Wattpad. Crush mong pina-fall ka. 'Yung maliligo ka na sa ulan kaso hindi bumuhos. 'Yung maaabot mo na kaso biglang nawala. Pag-ibig na, naging bato pa. Pero anong magagawa natin? Sa...