25.

28 5 0
                                    

"saan na napunta, kislap ng 'yong mata... maibabalik pa ba?"

— 1995, eraserheads.

25. Despidida

---

TINATAHAN ako ni Doc Eleand, kunot-noo siya habang nag-da-drive. Napansin ko ang paglingon-lingon niya sa akin, hindi siya makapag-focus sa pagmamaneho.

"Teka nga." Bumuntong-hininga siya bago ihinto ang kotse. "Ano ba talagang nangyayari? Sino ba talaga 'yon?"

"Wala, Doc," usal ko. "Tara na." Pinilit kong kalamahin ang sarili sa pagpupunas ng luha ko. Nakakahiya, pati siya nadadamay na.

Muli siyang suminghap. "Tahan na," aniya. "Mababaliw ako kakaisip kung bakit ka umiiyak e, please, ayoko makitang umiiyak ka." Bahagya siyang lumapit sa akin, dahan-dahang pinunasan ang basa kong pagmumukha. "Please, stop."

Agad akong dumistansiya. "Tara na, Doc," aya ko. "Gusto ko nang umuwi."

Hindi ko na alam kung paano pipigilin ang mga luha ko. Tuloy-tuloy lang sila, buti na lang hindi na ako pinansin ni doc. Pero ramdam ko ang pabalik-balik niyang tingin, nag-aalala kung bakit ba ako nagkakaganito.

Ayoko rin namang sabihin sa kaniya.

"Will you be okay?" tanong niya nang makarating kami sa amin.

Tumango ako. "Oo, salamat." Pinilit kong ngumiti.

"Don't give me that smile," sumimangot siya. "Ang peke, Juls." Humalakhak siya bago guluhin ang buhok ko. "Mababaliw talaga ako at baka hindi pa makatulog pero, just call me, okay? Sagot kita kung ano man 'yang dinadala mo." Ngumiti siya.

Tumango na lang ako bago kami maglakad papuntang bahay. Sinalubong kami ni Budd, bahagya pang umawang ang mga mata nang makita kami.

"Nanay, nandito na si Ate Juls!" sigaw niya bago kami lapitan. Nagmano siya sa akin at kay Doc Eleand.

"God bless." Ginulo ni Doc ang buhok niya.

"Ay nandito ka pala kayo," ani Nanay. "Doc, good evening," bati niya.

"Good evening din po, Tita." Tumayo pa siya at nagmano. "Hinatid ko lang po 'tong anak niyo, aalis na rin po ako."

"Teka, kuhanan kita ng maiinom, Doc," usal ko bago magpunta sa kusina. Kumuha ako ng tubig para sa kaniya. "Oh." Abot ko.

"Salamat. Sige, alis na ako, may duty pa, e." Ngumiti siya at bahagya pang napahawak sa batok. "Sige po, Tita, alis na po ako."

"Sige, sige," ani Nanay. "Ingat, Doc, ah?"

Tumango naman siya. Sumama ako palabas para makita siyang umalis.

"One call away, ah?" aniya. "Bye."

Ngumiti lang ako bago siya panooring umalis hanggang sa mawala na ang kotse niya sa paningin ko. Bumalik ako sa bahay, nakahanda na ang hapunan. Na-realize kong wala na pala ang mga pinsan ko rito nang tawagin ko ang pangalan ni Rowena.

"Babalik naman daw sila bago ka umalis," singit ni Nanay. "Kamusta mga nilakad mo? Wala namang aberya?"

Umiling ako. "Wala naman po."

Sa Susunod Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon