"but with you heaven is still close enough to touch..."
— hard to believe, eraserheads.
39. Ang Kuwento
---
MAY nakapagsabi sa akin dati na may dalawang uri ng tao sa mga buhay natin: 'yung umaalis, at 'yung dumarating.
Umaalis daw sila para bigyan ng espasyo 'yung mga darating.
Dumarating daw sila para punan 'yung kulang na iniwan ng umalis.
Ang labo. Pucha.
"Jero, sa Manila na natin ipa-opera si Juliana. Sagot na raw nila balae 'yung gastos," sabi ni Mama pagkalabas ko ng kuwarto ni Juliana. "Gusto ko sanang tumanggi, kaso alam mo naman, hindi namin kaya."
"Basta kung makakabuti sa anak ko," sagot ko bago mag-angat ng tingin. "Pupunta ba sila rito?"
Umiling siya. "Hindi kakayanin ng schedule nila na bumisita rito."
Tumango na lang ako. Nagpaalam si Mama para lumuwas ng Manila. Ilang araw na silang salitan ng mga kabanda sa pag-aalaga at pagbabantay kay Juliana.
"Ayusin mo sarili mo, Jero," aniya. "Go get some sleep, tingnan mo itsura mo."
Hindi ko na siya pinansin at pumasok na lang ulit sa kuwarto para tingnan ang anak ko. Pagkapasok na pagkapasok ko, para na namang sinasaksak ng kutsilyo ang dibdib ko.
Ang hirap makitang nasa ganitong sitwasyon ang anak ko.
Parang kailan lang napaka-bibo pa niya. Parang kailan lang ang excited niyang pumunta sa Piloan at makilala si Julie.
Ngayon, she looks so pale. Nawala 'yung matamis niyang ngiti kapag nagpapatawa ako.
Ang sakit. Ang hirap.
"Hello, naihatid mo ba siya?" tanong ko kay Mang Haro sa kabilang linya.
"Opo, sir," sagot niya.
"Is she okay?"
"Umiyak po siya, sir, mugto po 'yung mata pagkababa ko sa kaniya, e."
Shit.
Ilang beses kong tinawagan si Julie pagkababa ko ng tawag ni Kuya Haro. Pero hindi siya sumasagot maski sa mga texts ko. Pucha, ano ba kasing ginawa ko?
"D-daddy?" Napalingon ako kay Juliana nang tawagin niya ako. Mabilisan akong naglakad papalapit sa kaniya.
"Yes? Bakit, anak?"
She smiled. "Dad, am I going to heaven?"
Nawala ang pilit na ngiti sa labi ko. Habang pinagmamasdan siya, unti-unting napalitan ng luha ang kaninang masaya kong mukha.
"Bakit mo ba sinasabi 'yan?" Pinilit kong itago ang hikbi kaso nabasag ang boses ko. "Hindi mo dapat iniisip 'yan, gagaling ka, baby girl."
Mas lalong lumawak ang ngiti niya. "Will I play again?" aniya. "I dreamed about Tita Juls, she's teaching me to play the guitar!"
BINABASA MO ANG
Sa Susunod Na Lang
UmorismoInspired by Eraserheads. Paasa. Update ng favorite mong author sa Wattpad. Crush mong pina-fall ka. 'Yung maliligo ka na sa ulan kaso hindi bumuhos. 'Yung maaabot mo na kaso biglang nawala. Pag-ibig na, naging bato pa. Pero anong magagawa natin? Sa...