8.

53 9 0
                                    

"tulad ng pag-agos mo, 'di mapipigil ang puso kong nagliliyab."

tuwing umuulan at kapiling ka, eraserheads.

8. Ulan Sa Piloan

---

HINDI ako sumagot. Pero para malihis ang kahihiyan, umiling ako — leche, sumagot nga ako.

"Tumutugtog ka?" manghang tanong ni Jeremy. "Idol!" aniya.

Napangiti si Inggo. "Oo, gusto mo turuan kita?"

"Sige!" masayang sagot nito.

Bumalik nga si Inggo sa bahay nila Uncle Jon. Sinabi ni Daryl na hintayin na lang namin siya dahil saglit lang naman. Ang kaso, walang pamingwit sila Uncle Jon.

"Nood na lang ako," aniya nang makabalik. "Hindi ko rin kasi alam mamingwit." Napahawak pa siya sa batok niya.

Tumango si Daryl bago tapikin ang balikat nito. "Ayos lang 'yan, tara na, naghihintay na mga tilapia sa atin," aniya na naging dahilan ng tawanan.

Hindi gaano masukal sa daan. Karamihan kasi mangga ang nandito sa bukid. Diretso lang din ang ruta, walang paliko-liko na nakakaligaw.

"Alam mo mamingwit, Juls?" Napalingon ako sa kaniya nang magsalita siya sa likod ko. "Namimingwit ka?"

Umiling ako. "Hindi," tipid kong sagot.

Inayos niya ang hawak sa gitara niya. Nakakahiya tuloy, dinala talaga e. Pinaalala niya lang 'yung kahihiyan ko kaninang umaga.

Tumango-tango siya at hindi na nagsalita. Buti naman, kasi wala akong balak makipag-usap sa kaniya.

Ewan ko, pagkatapos kong makita 'yung itsura niya kanina — na mukha siyang problemadong-problemado, parang nag-iba 'yung tingin ko sa kaniya. Naaawa ako sa hindi malamang dahilan, parang na-guilty pa ako sa mga binintang ko sa kaniya dati.

"Mukhang uulan pa ata," reklamo ni Rowena sa tabi ko.

"Oo nga 'no," tugon ni Larry. "Ligo tayo!"

"Nice," singit ni Inggo sa likod. "Gusto ko 'yan!"

"Manahimik kayo," ani Daryl. "Gulatin natin si Amang." Humagikhik siya.

Tanaw na nga namin si Amang dito. Pirmi siyang nakaupo habang hawak ang pamingwit niya. Bahagya siyang nakatalikod sa amin kaya siguro magtatagumpay sila Daryl sa balak nila.

"Dahan-dahan lang," sabi ko. "Baka diretso si Amang sa ilog bahala kayo diyan."

Humagikhik lang sila at dahan-dahan nga sa paglalakad para hindi mabisto ni Amang. Habang papalapit kami nang papalapit, hindi ko na mapigilang tumawa, pinatahimik ako ni Larry.

"Shh," ani Daryl.

Ilang hakbang na lang ang layo namin kay Amang nang biglang sumigaw si Inggo. "Ahas!"

Lahat kami napalingon sa kaniya dahil sa sigaw niya. Nagtatalon pa siya palayo dahil sa takot. Kami, umiwas na lang din sa tinuro niya pero kahit bakas ang gulat, hindi namin mapigilang tumawa sa itsura niya.

Sa Susunod Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon