11.

48 6 0
                                    

"pasensiya na kung ikaw ay naiinis, ayoko na sanang pag-usapan pa."

— torpedo, eraserheads.

11. Inggo at Selos

---

BANGAG. Nang gisingin ako ni Tita, halos hindi ako makabangon dahil sa panghihina. Hindi ako nakakain kagabi dahil sa sobrang kalasingan at halos hindi rin ako nakatulog.

Tapos ngayon, maririnig-rinig ko pang aalis si Julie?

Tuloy, kahit na ready na ang court na itinayo namin — na isang great idea dahil mas makikita ko si Julie araw-araw, nawalan ako ng gana maglaro.

Ewan.

"Isa pa?" aya ni Larry. "One game pa?"

Umiling ako habang nagpupunas ng pawis. "Pass na," usal ko bago umupo sa tabi. "Pagod na ako, haha."

Ngumiwi si Larry. "Weak mo, Kuys." Humalakhak siya. "Joke."

Napailing na lang ako. Nanghina nga talaga ako.

"Sige, pahinga ka na Kuys," ani Larry. "Tara Jeremy, one on one tayo."

Naglaro silang dalawa. Umupo sa tabi ko si Daryl na nagpupunas din ng pawis niya. Nang balingan ko siya, nakatingin siya sa akin.

"Natabangan ka 'no?"

Kinabahan ako sa tanong niya but I manage to beamed a smile. Hindi ko na alam, napakatanga ko talaga.

"Natabangan saan?" patay malisya kong tanong.

Humagikhik siya. "Alam nating dalawa kung tungkol saan, Kuys."

Suminghap ako para kalmahin ang sarili. "Kailan alis niya?"

Bahagya siyang humagikhik. "Sabi na, e," aniya. "October, pero ang alam ko hindi 'yon sigurado, e."

Tumaas ang kilay ko. "Hindi sigurado?"

"Si Juls lang naman kasi 'yung nagsasabi na aalis siya nang October."

"Ha? Pa'no 'yon?" takang tanong ko.

"Ewan ko rin," sagot niya. "Pero siguro dahil ganun din 'yung mga ibang nurse na nag-a-abroad." Nagkibit-balikat siya.

I creased my forehead before gazing into Julie who was firmly sitting on their sari-sari store. Iniwas ko ang tingin ko nang magtama ang mga mata namin. Bigla akong kinabahan.

Aalis siya. Mukhang sumpa nga talagang malas ako sa mga babae.

Teka, mas malas pala sila sa akin.

Nagpaalam na ako kila Daryl nang maramdaman ko ang gutom ko. Gusto ko mang magpaalam kay Julie, hindi ko magawa. Parang ang bigat nga ng salitang paalam.

Ano ba 'to, sabog ba ako?

"Kain na, nong," tawag sa akin ni Tita Joyce nang makapasok akong bahay.

Sa Susunod Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon