"ilang awit pa ba ang aawitin, oh giliw ko?"
— ligaya, eraserheads.
12. Nurse Juls
---
TAPOS ngayon si Budd naman ang ka-close niya. May gayuma talaga 'tong tinatago. Nagawa pa niyang pakisamahan 'yung kapatid ko, e, sobrang sungit kaya ni Budd!
"Huy, sinong pinapanood mo diyan?" biglang sulpot ni Rowena sa likuran ko. Hindi ko alam kung papansinin ko siya dahil sa plastered na atang ngisi sa labi niya.
Umiling ako. "Wala."
"Hay, nako." Nagpakawala siya ng buntong-hininga. "Teka, sino 'yon? Ang ganda naman ng kotse."
Napalingon ako sa tinuro niya. Nang aninagin ko, kotse ni Doc Eleand. Umawang ang labi ko sa gulat. Bakit nandito 'to?
Nang lumabas ako para salubungin si Doc Eleand, nadaanan ko si Inggo na agad nag-iwas ng tingin. Problema niya?
Napailing na lang ako bago lapitan si Doc na kabababa lang ng kotse.
"Hi," bati niya, bahagyang tinanggal ang shades at isinuksok sa pagitan ng mga butones sa suot niyang polo shirt.
"Hello po," sagot ko. "Ano pong ginagawa niyo rito, Doc?"
Humagikhik siya. "Wala, bumibisita."
Huh?
Bahagyang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bumibisita? Ano namang bibisitahin niya rito? Resigned na ako sa hospital, ah.
"Ah," nangangapa kong usal. "Sige po, pasok po kayo." Nauna akong maglakad, senyales na rin para sundan niya ako.
Nang madaanan ko ulit sila Inggo, agad niyang iniwas ang titig niya.
Pinaupo ko si Doc pagkapasok sa bahay. Nagpaalam ako sa kaniya para tawagin si Nanay at sabihing may bisita kami. Kinakabahan tuloy ako, baka iba na naman ang isipin ni Nanay.
Bakit ba kasi nandito 'tong si Doc? Sa pagkakaalam ko wala naman kaming unfinished business sa isa't isa.
Tumaas ang kilay ni Nanay nang sabihin ko sa kaniya na may bisita ako. "Weh, bakit naman?" tanong niya habang nagluluto.
"Hindi ko nga rin po alam," sagot ko. "Ewan." Bahagya akong sumandal sa mesa.
"Manliligaw mo ba 'yan?" aniya na agad kong sinuklian ng iling.
"Hindi po," sagot ko.
Tumango-tango si Nanay bago takpan ang niluluto siya. "Sige, tara na." Nilagpasan niya ako para pumunta sa sala.
Kinakabahan man, hindi ko na lang pinahalata na naaasiwa ako sa presence ni Doc Eleand. Kahit pirmi naman siyang nakaupo sa sala — at paminsan-minsan nginingitian ako, hindi ko magawang maging komportable.
Kung nandito siya para manligaw, ayoko nang ulitin pa sa kaniya 'yung mga sinabi ko dati.
Hindi niya ba naintindihan 'yon?
"Hello po, Tita." Tumayo pa siya para batiin si Nanay.
Nginitian siya ni Nanay bago paupuin ulit. "Hello rin, Doc," aniya. "Ano po palang kailangan niyo bakit po napadalaw kayo?"
Bahagya siyang ngumiti. "Napaka-formal naman po, Tita," sabi niya. "Eleand na lang po."
Humagikhik si Nanay. "Ay, Doc naman," sagot niya. "Sige, Eleand."
BINABASA MO ANG
Sa Susunod Na Lang
HumorInspired by Eraserheads. Paasa. Update ng favorite mong author sa Wattpad. Crush mong pina-fall ka. 'Yung maliligo ka na sa ulan kaso hindi bumuhos. 'Yung maaabot mo na kaso biglang nawala. Pag-ibig na, naging bato pa. Pero anong magagawa natin? Sa...