22.

23 6 0
                                    

"at ngayon, 'di pa rin alam kung ba't tayo nandito."

spoliarium, eraserheads.

22. Bata

---

AGAD akong nag-impake nang makarating ako sa apartment. Wala pa 'yung tatlo kaya mas okay, mas mabilis akong makakaalis. Panigurado kapag nandito sila, hindi ako makakakilos.

From: Mama

#319, Riverside St., Piloan, Pangasinan.

Pagkalagay ng mga gamit ko sa bag, iniwan kong bukas ang apartment. A minute or two, darating na 'yung mga kabanda ko for sure. Before they could even caught me, I should move faster. Ayoko na rito.

Gustong-gusto ko nang umalis.

"She's two months pregnant, sir."

"Magkaka-anak na tayo, Jero!"

"Hayop ka! Wala kang kwentang anak!"

"Hinayaan kitang tumutugtog kasama ng bullshit mong banda tapos ngayon, ito? Balak mo ba talaga akong patayin?!"

I shook my head. Mababaliw ako if ever manatili pa ako rito sa Manila. I can't face Shara — and the baby. I just . . . can't.

And I don't even know if I would.

I'm not even sure if it's mine!

Hindi ko sinagot ang lahat ng tawag sa akin. I blocked their numbers para hindi na nila ako ma-contact. Maski si Mama, hindi ko ni-reply-an.

Hindi ko mapigilang maiyak habang nasa biyahe. Hindi ako handa sa lahat ng bagay. It was an accident, I was drunk that night and shit. I didn't see it coming.

But I guess it's the only answer. I need to breathe. I have to search for myself. Kahit hindi ko alam kung babalik pa ba ako sa Manila.

Umuulan pagkababa ko sa bus. Hindi ko na pala namalayan, naalimpungatan pa ako sa ingay nung konduktor. Muntikan ko pang maiwanan 'yung gitara ko, buti na lang hinabol ako nung isang Ale.

"Leche, ang tagal."

Rinig ko ang reklamo ng nurse sa harap ko. Kanina pa ako rito, kakarating pa lang niya pero grabe na ang kunot ng noo niya na parang pinakamalas siyang pasahero. Medyo marumi ang baba ng uniform niya.

Umabante ako para pantayan siya. "Ang tagal naman," bulong ko. I saw how her eyes landed on mine. Ang ganda niya.

But she averted her gaze. Bahagya akong napangiti dahil nakasimangot na siya ngayon. Parang sirang-sira ang araw. Namatayan kaya siya ng pasiyente?

I cleared my throat. "Baranggay Piloan ka rin?" Ngumiti ako nang lumingon siya ulit. Medyo umayos ang itsura niya.

She nodded. "Oo," sagot niya bago muling iiwas ang tingin. Parang galit siya habang pinapanood ang mga tricycle sa harapan namin. Napailing ako.

Sa Susunod Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon