Chapter 1

79.4K 1.8K 1.6K
                                    

Chapter 1

Message

Eyes. Eyes are the windows to your soul... that's what they told me.

Then I wonder what my soul looks like. Is it pure, sweet, solemn, radiant, and innocent? Or is it... dark, violent, murderous, and shameful?

I want to know. I'm curious about my own soul and essence. But sadly, no one's willing to take a glimpse through the window.

Tumingala ako, dinama ang kapayapaan, ang sariwang hangin ng pang-umagang araw.

Kasalukuyan akong nasa ilalim ng isang matayog na puno kaya nalilimliman kahit papaano. Mula sa taas, tanaw ko ang sumisilip na marahang sikat ng araw mula sa maliliit na puwang ng mga dahon.

Hindi ko namalayan ang ngiti. Unti-unti mang dumadampi ang katamtamang init sa balat mula sa mga pasaway na sinag, hinayaan ko iyon. Dahil bukod sa kanila, wala nang iba pang magnanais na tanawin ako, o subukan man lang na lapitan.

Inangat ko ang isang kamay bago ipikit ang kabilang mata. Sinubukan kong takpan ang ibang puwang sa mga dahon. Kaso lang, bigo ako.

Umihip kasi ang pang-umagang hangin kaya binagsak ko na lang ang tingin sa panibagong pumpon ng mga dahon. Sa mga nalagas mula sa taas at nahulog sa buhangin.

Sa harapan ko ay isang malapad na karagatan. Pinagmasdan ko ang maliliit na alon at agad akong nalibang sa panibagong tanawin.

Sa totoo lang, para sa akin, mas madaling paniwalaan na ang ikalawa ang mas naglalarawan sa aking lagyo.

The former set of possibilities is all far-fetched. If my soul is indeed pure, sweet, solemn, radiant, and innocent... then why would they forsake me? They keep on shunning me away; they're avoiding me.

Why? Did I do something wrong? Are they mad at me?

Napakurap-kurap ako nang may natanto.

Maybe it's because of these contact lenses? People aren't able to see my real eyes. Then they must be clueless about my own soul because of these barriers covering my windows to my soul? My poor soul must be sad! Deprived of people's cognizance!

"Kapag nakita ng iba ang tunay mong mga mata, baka mahumaling ang mga ganid at dukutin 'yan para ibenta sa talipapa. Malaking salapi ang maaaring makuha para sa mga matang iyan. Gusto mo ba iyon?"

Agad akong kinilabutan kaya umiling ako nang malaki sa kahindik-hindik na ideya.

"Hindi na po mauulit. Pasensiya na po!"

"Pinag-iingat lang kita, Lumi. Para ito sa kaligtasan mo kaya huwag na huwag mong kakaligtaan, ha?"

That's what they always told me. It is all for my safety.

Every time I look at my eyes' reflection, they remained staring back at me. Staring with the same intensity as if they don't wanna lose.

They have colors now. Who would have thought that black could colorize my entirety? Maliit na parte man ng kabuuan ngunit hindi matatawaran ang ambag sa anyo.

Hindi ko alam pero sa kung anong rason, purong puti ang mga mata ko. Both my iris and pupils are white but around my iris is a very thin black line that separates them from my sclera.

Gusto kong isipin na isa itong uri ng sakit ngunit tiniyak ni Nana na walang mali sa mga mata ko.

I tried insinuating that I might be different but in the end, they'd convince me I'm not. Because I am unique.

That's What They Told MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon