Chapter 37

20.1K 821 1.3K
                                    

Chapter 37

Epiphany (Part 2)

  

Pagkatapos noon ay hinila na ako ni Ate patungo sa kanyang tabi, agad sumalubong sa akin ang mukha nila ni Kobe.

"That bitch?!" she scoffed.

Inilingan ko na lang iyon at nawalan na lalo ng imik sa paglipas ng oras.

The program progressed.

Naging busy si Tito para sa mga speech, awarding, at recognition sa lahat ng mga naging kasapi ng proyektong ito. Maya't maya ang palakpakan habang nanatili lang kaming nakaupo.

I got bored. I drank in my wine which I seldom take, by the way. But to ease my boredom, fine. Let's bear with this.

Pabuntong-hininga kong nilapag ang wine glass sa mesa nang bigla, siniko ako ni Ate.

"What?"

"Look over there," she simply said before pointing at the corner.

I squinted my eyes to get a clearer view of what she's referring. So when I learned what it is all about, I licked my lower lip and pondered.

"Once the foods are served, get ready," si Mama naman ngayon.

Hirap akong tumango dahil ang mga mata, naroon pa rin sa bandang iyon.

Nakatayo sa sulok ang dalawang lead sa araw na ito, abala sa pakikipag-usap ang isa at nanunuod lang sa programa ang isa pa. Pero batid ko ang paglinga-linga nito kaya agad akong umiwas ng tingin.

Binagsak ko ang mga mata sa aking baso at napansin ko ang mariing pagkakahawak doon.

Janine is wearing a halter black dress while her father, Engr. Lopena, is in his formal black suit, talking to a businessman.

Ngayong nakumpirma kong dumadaloy ang plano tulad ng inaasahan, mas lalong umusbong ang matinding poot sa aking sistema. Pero bakit ganoon? Ngayong nalaman ko na ang totoo, bakit ang hirap pa ring paniwalaan?

I muttered a curse under my breath while our foods are being served.

According to Azalea, she confessed that Janine was the one behind my video scandal in our school's rest room. Kung saan lantad ang mga mata ko sa salamin, bagay na si Ate pa ang pinaghinalaan kong kumuha at nagpakalat ng recording na iyon dati.

Doon nagsimula ang kalbaryo ko. Iyon ang umpisa ng paghihinala sa akin ng mga kaeskuwela noon. At hindi ako makapaniwalang nagawa niyang magpanggap na inosente!

Kung paano nangyari ay dahil daw bago pa man ako makapasok sa CR ay naroon na siya, nasa isang cubicle at nagtatago.

Pagkaalis ko ay binantaan niya pa ito at pinabura ang record. Ngunit niloko siya ni Janine. Naalala ko ang balisang kalagayan nito nang bumalik sa aming room.

At hindi lang iyon. Si Janine din ang nagpakalat ng stolen picture habang nag-aayos ako ng hose sa hardin ng mga Castellano. Dahilan kung bakit nalaman ng school na ampon lang ako ng pamilya. Isang mutsatsa lamang doon.

Noon pa man, tama na ako sa hinalang si Engr. Lopena ang mismong kumuha ng litratong iyon. At sa kaparehong araw ay sinend sa kanyang anak na si Janine, na siya namang nag-post ng litrato gamit ang pekeng social media account.

That bitch.

Those revelations are very alarming. I treated her as a true friend. I trusted her! But I didn't foresee that right off the bat, she had ulterior motives against me. Simula pa lamang ay kasabwat na sila ni Duccio.

That's What They Told MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon