Chapter 3

32.5K 1.1K 879
                                    

Chapter 3

Buffalo

My cheeks flushed when I reckoned what's that about. Is he... perhaps... concerned about me?

He said it's for my safety... Why? Are those guys up for something when they told me to come with them?

Truth be told, I really did feel something strange earlier when they talked to me. But it wasn't an enough warrant to judge them, especially when they're being nice to me. Something that is really precious for me.

People being friendly... Having friends, having someone to talk to, being my true self when they're around.

I smiled inwardly. Wow. Is it possible to experience that?

Habang pabalik sa mansiyon ay hindi ko maiwasang tanawin ang matatayog na bakod at pader. Nakapalibot iyon sa buong lupain ng Castellano.

May mga pagkakataong nawawala sa isip kong mayroon noon dahil napakalawak naman ng buong lupain. Kaya parang hindi rin dama ang pagkakakulong dito sa loob ng ilang taon.

Bawat tarangkahan ay may dalawang tagabantay. Ang tuktok din ng mga konkreto ay may matitinik na barb wire at electric fence para sa mas mahigpit na seguridad. Isa lang ang rason na alam ko kung bakit pinatayo ang mga iyon at pinaniniwalaan ko si Nana.

Just like what they're always telling me, it was installed for my safety.

According to Nana, workers here probably believed that it was for the Castellano's privacy and safety purposes. Maybe one of the reasons, too. But she told me that people outside the fences and the workers are not aware about the specific reason. It is for me.

The late Senyor and Senyora installed them for me, so maybe aside from Nana, they also knew about my eyes.

Then I wonder, is Senyorito Lazarus aware, too? That people might be after me once they knew about these eyes? Ibebenta kaya talaga nila ito sa talipapa?

"Anong sa silid ka lang muna?" eksaheradang asik ni Nana nang ipaliwanag ko sa kanya iyon.

Kakatapos lang magtanghalian ng lahat at tulad ng nakagawian, ako lang ang nag-iisang  tagapagsilbi na sa loob ng kuwarto kumakain. Kaya madali akong nahanap ni Nana.

"Utos po ni Senyorito," ayos ko ng upo sa kutson na nakalapag lang sa sahig.

Bahagya itong napaisip. "Bakit? May nangyari na naman ba?"

Iyon agad ang hinuha ng matanda. Talaga bang kailangan may mangyari muna bago mauwi sa ganitong sitwasyon? Si Nana talaga, o.

Sa bagay, hindi ko rin naman mapagkakailang tama iyon. Sa huli, napalabi na lang ako at napasuklay gamit ang kamay.

"Hindi ko po maintindihan, e. Basta para daw po sa uh... kaligtasan ko."

I suddenly felt awkward for saying it myself. Bakit parang pinagtatakpan ko ang sarili?

"Ah... ganoon ba?" Napakurap-kurap ang matanda sabay tikhim sa huli. "Mabuti ngang dito ka muna kung ganoon. Huwag na huwag kang lalabas hangga't hindi ko sinasabi, ha? Sige, pumirmi ka muna rito at magpahinga na lang. Mas mabuti pa nga."

My eyes narrowed when Nana acted compliant out of a sudden compared to her temperament a while ago, like I just said a magic word.

I pursed my lips. Bakit kaya?

"Sigurado po ba ka-"

"Osya! Balik na ako sa baba at kailangan na ako roon!"

Ni hindi na niya ako tinignan pa. Dire-diretso lang sa paglisan ng silid ko.

That's What They Told MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon