Chapter 31

19.4K 754 2.4K
                                    

Warning: Please be advised that this chapter contains mature content not suitable for young audiences.
--

Chapter 31

Satisfaction

 

"... Lumien Agapito!"

After my valedictory speech, a deafening round of applause filled the whole gymnasium.

I went down the stage only to be welcomed by Azalea, Kobe, Tito Archie, and Ma'am Rietta.

"Congratulations, hija!" Tito clapped thrice while dramatically nodding his head as if he's giving me a satisfactory compliment.

Natawa ako at nagpasalamat. Niyakap naman ako ni Azalea sabay simpleng tsansing naman ni Kobe rito na kunwari'y nakikiyakap din.

On the other hand, Ma'am Rietta smiled warmly at me.

"We're so proud of you, Lumi."

Awtomatikong kumurba ang mga labi ko upang ngumiti pabalik.

"Maraming salamat po. Sa pagdalo at suporta."

Tito Archie ruffled my hair as we walked towards the first row of seats. Maraming gustong bumati sa kanya at makipagkamay ngunit muli siyang bumaling sa amin.

"Huwag mo na masyadong isipin sina Danilo at Victoria. Alam mo namang busy lang ang mga iyon," aniya.

Umiling ako at ngumiti na lamang. Iniisip pa rin siguro nila na masama pa rin ang loob ko dahil hindi man lang dumalo ang mga Castellano sa graduation ko. But really, all I was feeling towards them was indifference.

Sana hindi na nila inabalang isakto ang business trip at medical mission kunwari sa mismong petsa ng graduation ko. Nag-effort pa tuloy sila.

Sa katunayan, ayos lang naman sa akin kung sinabi na lang sana nilang ayaw nilang pumunta. Akala siguro'y mamasamain ko. But frankly speaking, I couldn't care less anymore whether they lend me moral support or not.

Isa pa, sapat na ang mga Lascano. Hindi ko man hiniling sa kanila, sila na mismo ang nag-alok na gawin silang guardian sa isa sa mga pinakaimportanteng araw sa buhay ko. Needless to say, I was happy and contented. That's more than enough for me.

Noong una, akala ko'y simpleng mag-i-sponsor lang si Tito sa aming graduation kaya siya dadalo. Iyon pala, laking gulat ng marami dahil siya ang tumayo bilang parent ko sa araw na ito, katuwang si Ma'am Rietta.

Pansin man ang malisyoso at nanggagalaiting sulyap ng ilang mga kaeskuwela, inignora ko na lang iyon at nagpatuloy.

"Wala akong ideya na personal palang malapit sa iyo ang mahusay naming estudyante, Governor!" galak na komento ng aming principal.

Ngumiti si Tito at tumango. "Ganoon na nga. Salamat din, Kaigan, dahil sa kabila ng mga kumakalat na isyu noon sa mahal naming Lumien, binigyan ninyo pa rin siya ng panibagong pagkakataon bilang isang estudyante."

Ngumuso ako at nahiya bigla.

The Principal laughed awkwardly. "O-Oo naman, Gov. Tungkulin naming pangalagaan ang karapatan ng bawat estudyante namin. Isa pa, bilang malapit sa aming puso ang mga Castellano, naniniwala kami na walang kabuluhan ang mga lumaganap na sabi-sabi tungkol kay Miss Agapito."

Mula sa pagkakayuko, bigla akong napaahon, taka sa hindi inaasahang pagkabilang ng pamilyang iyon sa usapan. Mukhang ganoon din ang reaksiyon ni Tito Archie kaya muling natawa nang pakla ang Principal.

"A-Ang ibig kong sabihin, syempre ay ganoon din sa inyong anak, Governor."

Kobe suddenly coughed in surprise. Kumunot ang noo ko at nahuli ko silang may mahinang pinag-uusapan ni Azalea. Ngunit bago pa man ako makapagtanong, mukhang alam ko na ang ibig sabihin noon.

That's What They Told MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon