Chapter 6

29.2K 1K 1.8K
                                    

Chapter 6

Azul

 

Para akong lumulutang habang patungo sa gazebo na tinukoy ni Senyorito. Ang totoo, nag-aagaw ang tuwa at takot ko para sa sarili.

Hindi ko na maintindihan. Sa pagkakaalala ko ay matibay naman ang paninindigan na imposibleng magtagpo man lang ang aming landas. Pero dahil lang sa narinig, nagkaroon ng liwanag ang dulo ng madilim na kuweba. Nakadiskubre ako ng katiting na pag-asa at lubos ko iyong ikinatutuwa. Gaya rin ng pagkatakot ko para sa sarili.

Nang tanaw ko na itong nakaupo sa gazebo at nakatalikod mula sa aking direksiyon, awtomatiko ako napabuntong-hininga.

Nakakatakot pa rin. Hindi ko dapat 'to masyadong bigyan ng kahulugan.

Naisip ko, siguro dahil sa kabila ng pagiging malupit, sadyang may nakatago lang na kabutihan sa sulok ng puso nito. He's just too kind to stomach a damsel in distress roaming around with time bombs in her hands, full of casualties and mishaps.

Afterall, he's a Castellano. And all my life I've been looking up to their reputable clan. Because aside from their nobility and honor, I have known them as kind-hearted people. At sa hinaba ng panahong naninilbihan sa mga Castellano, napatunayan iyon sa akin ng Senyorita Victoria.

At isa pa, ano ngayon kung nabanggit ni Zaro ang hindi niya pagkahilig sa mga babaeng mas matanda sa kanya? It doesn't necessarily represent his liking for younger women. Maaari namang kaedad pala ang tipo o ilang taon lang na pagitan. Hindi iyong... limang taon.

My lips twitched as I dropped my eyes on the purple morning glory I was holding.

I'm too young and assuming for him. Not to mention delirious. I sighed again. What's wrong with you, Lumi? I thought it's just a shallow admiration?

Bago pa man makalapit nang tuluyan sa Senyorito, binitawan ko na ang munting bulaklak. Hinayaan ko na iyong dalhin ng hangin kung saan at tinatagan na lang ang loob na pumanhik sa gazebo.

I was surprised to see Nana inside the gazebo, too, busy talking with Senyorito while preparing some foods for the breakfast. I didn't notice her a while ago. Or maybe I was just too concentrated on Zaro. I'm not sure.

Dumapo roon ang tingin ko at natantong sobra-sobra ang mga nakahanda para sa isang tao. At base rin sa hitsura ni Nana, mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan sa mga oras na iyon.

That explains why she's not there to visit me at my room to lecture and remind me of things like the usual. She's here early this morning to serve the master.

Pansamantala akong nakontento sa pag-upo sa malaki at malapad na bato para bigyan pa sila ng oras sakaling mahalaga ang diskursong iyon.

Chin rested on my left arm—which was also horizontally laid on my knees, I played with the grass with my other hand. Sa ganoong posisyon ako nadatnan ni Nana at Senyorito makalipas ang ilang sandali.

"Tumayo ka riyan, Lumi," istriktong utos ng matanda, dahilan para mapatingala ako sa kanila.

My stomach hollowed. Ganoon na lang kabilis ang aking pagtayo at pagyuko sa dalawang kaharap.

"Magandang umaga po, Nana."

Umangat ang kanyang kilay. "Ang Senyorito, hindi mo babatiin?"

"Ayos lang po. Nabati na ako ni Lumi kanina," magalang na sabi ni Zaro, nanatili ang titig sa akin.

I blushed. Flustered by that, Nana turned to him confusedly.

"Kung ganoon ay nagkita na kayo kanina nang mas maaga?" kuryosong tanong nito, may pagdududa sa hitsura.

That's What They Told MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon