Chapter 27

17.9K 681 1.8K
                                    

Chapter 27

Trust

 

Azalea:

Where are you? Malapit na kami i-dismiss.

Nilibot ko ang paningin sa lugar kung saan ako pansamantalang namamalagi. I was on a mini park nearby our school. Nasa kabilang ibayo naman ang mga food cart.

I availed a cup full of streetfoods though. Mabilis nga lang iyon dahil naisip na baka maabutan pa ng mga kaklase.

Ako:

Text mo na lang ulit ako kapag palabas na kayo. Ako na lang ang pupunta :)

I sighed as I put my phone down.

We were dismissed earlier than planned. Sa katunayan, isa siguro kami sa may pinakamaagang umuwi ngayon.

Kahit ang mga College, karamihan ay nasa loob pa. Maybe because it's the perfect day for homeroom Christmas parties.

Ang totoo niyan, may Christmas party rin ang aming section. Ngunit napagkasunduan nilang ganapin ang party sa bahay nila Janine.

I wasn't that oblivious and dense not to know that they didn't want me included. So I just left the room without waiting for Azalea, Millie, and Doris.

Though at the same time, felt good that slowly, some of them were able to accept me again. Like them. Hindi man tulad ng marami dati, kontento na ako kahit sa iilan. And with that, I started to appreciate what Zaro told me.

Quality over quantity. That few friends will suffice. I didn't need many.

"He's right..." buga ko ng hangin sa kawalan. "Always will be..."

Dinama ko ang sariwang ihip ng hangin. Dahil sa malagong halaman na nakatanim sa likod ng bench na inuupuan ko, hindi ako masyadong kita sa kalsada.

Pinili ko talaga ang puwestong nakatalikod doon. Halos puno nga ng halaman ang palibot ng munting garden na ito na bukas sa publiko.

May maliit din na fountain sa gitna. Pero tingin ko ay wala iyong tubig ngayon dahil wala namang lumalabas. Sapat na ang matingkad na kulay berdeng nakapaligid sa akin. Sinuwerte pa ako dahil bukod sa akin ay walang tao sa mga oras na ito. Nahanap ko ang tamang lugar para huminga at magpahangin.

I wanted to breathe. Because at some point, I felt suffocated.

Hindi ko sigurado kung anong pinagmulan nito. Dahil ba sa mga usapan at tinginan na halatang sinadyang iparinig at ipakita sa akin. O dahil sa katotohanang epektibo iyon? Totoong naapektuhan ako nang husto sa mga narinig.

Aaminin ko, hindi ko matanggap ang mga narinig tungkol sa ugnayan ni Zaro sa babaeng sinabi niyang kaibigan niya lang.

He told me he has no girlfriend. Na bukod sa trabaho, pamilya ng kanyang kapatid, at pag-aaral, wala na siyang iba pang rason para lumuwas ng Maynila.

Kanina, kinumpirma ko kung totoo ba. But rather than texting him, I checked the Internet for confirmation.

Pagkatipa pa lang ng kanyang pangalan, unang suggestion agad sa search engine ay ang pangalan niya katabi ang pangalan ni Eliza Morales.

Doon pa lang, nagising na ako sa realidad. Lalo na nang hindi nagtagal ay nahanap ko na ang maraming articles tungkol sa kanila.

My classmates were right. They were linked to each other... and they looked good together.

That's What They Told MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon