Chapter 19

20.5K 759 810
                                    

Chapter 19

Home

 

"Huwag mo akong pahiyain sa hapagkainan," mahigpit na bilin ni Nana.

"Opo." Tumango ako tulad ng nakagawian.

Pagkatapos naming magtrabaho at magpalit ng mas malinis na damit para sa hapunan, sabay na kaming bumaba ni Nana patungo sa bulwagan.

Inimbitahan kaming dalawa ni Senyorita Victoria na sumabay sa pagkain ngayon. Madalas naman talagang kasama si Nana sa hapag pero minsanan lang ang ganitong pagkakataon na isali ako.

Bakit kaya? Semestral break na namin. Tapos na ang unang sem namin sa school at nalalapit na ang pasko.

Noong nakaraan, kabilugan na naman ng buwan. Naging malubha ang kalagayan ko dahil sa trangkaso at pagsusuka. Hindi naman na kami nag-alala masyado roon dahil sanay na tuwing sumasapit ang takda ng buwan. Iyon nga lang, kung meron mang pinakanamroblema nitong mga araw, si Zaro iyon.

He almost persuaded me to let him admit me to Senyor Danilo's hospital. Ayoko naman noon at tinulungan ako ni Nana na kumbinsihin si Senyorito na lilipas din ang kalagayan. Napalagay na siya na simpleng checkup lang sa OPD ni Senyor at siniguradong nagpapahinga ako nang mabuti.

Ngayon, tuluyan nang umayos ang pakiramdam ko. Naisip ko, siguro nais lang ni Senyorita na kamustahin ako nang personal kaya ako pinatawag ngayong gabi.

Pagkapasok namin sa bulwagan, naroon na sila Senyorita Victoria at Zaro, magandang-maganda ang postura kahit kakain lang. O siguro dahil para lang iyon sa akin. Dahil simpleng bestida lang ang mayroon ako, kupas pa ang kulay at medyo may kaliitan na ang sa bandang balikat.

Nagtagpo ang mga tingin namin ni Zaro. Seryoso lang siya. Naabutan pa naming may seryosong pinag-uusapan nang mahina ang magkapatid bago pa man kami dumating.

Nakahilera ang tatlong kasambahay sa gilid ng bulwagan, may distansiyang iniingatan upang bigyan ng pribadong espasyo ang mga pangunahin. Pansin ko ang paibabang sulyap nila sa akin.

Napayuko ako, natitiyak ang ibig sabihin niyon. Hindi na bago sa akin ang masamang imahe ko sa ibang trabahante rito sa hacienda ng Castellano. Minsan pa, tila sinasadya nilang iparinig sa akin ang panunuligsa dahil pinag-aral ako ni Senyorito.

"Magandang gabi, Victor at Victoria. Osya, baka pa lumamig ang mga pagkain," si Nana.

"Uh, magandang gabi po..." I bowed my head a bit before carefully sitting next to Nana.

Zaro tore his sight off. He sighed and shook his head lightly while staring at his plate, like he's in a debate against it or something. His mood was contagious. I wonder what's wrong?

Senyorita Victoria watched us settled on our places. I nodded as a gesture of greeting and respect before smiling hesitantly. She did the same and peeked at the househelps to signal them something.

Bahagyang nagtagal ang titig ko kay Senyorita. She's really elegant and beautiful. I admired her entire personality, too. You know she's just and kind, but her air gives a feeling of intrinsic superiority so, at the same time, I don't know, but it's intimidating.

Then, I realized Zaro and Senyorita resembled a lot. On character and physique. Her complexion was a perfect representation of Filipina beauty—light tan shade and glass-like skin texture. Nakapuyod nang mababa ang katamtamang haba ng buhok. At kung titignan ang mga suot na alahas, animo'y ipininanganak ang Senyorita upang ternuhan ang mga 'yon.

Napangiti ako. Naputol lang nang nagawi na ang mga mata sa direksiyon ni Zaro.

He looked at me like a hawk, sharp and wary. I was well aware something's off even before we arrived. But I just couldn't get used to him like this. Kahit tila madalas namang seryoso at malupit ang anyo, kapag pinagmamasdan siya, animo'y tinatangay pa rin ako ng hangin lagi.

That's What They Told MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon