Chapter 34
Unmask
My luggages were already in Lascano's mansion. They brought it with them when they left the Castellano's residence last night.
Ngayon, sa pagsapit ng Lunes, mas maaga akong bumangon para mamasyal sa dalampasigan. Naisip ko, gusto ko munang dumalaw rito bago tuluyang pumasok sa eskuwela. Bago tuluyang lisanin ang lugar na ito.
"Azul..." My subtle words were hushed by the wind.
A small smile put a curve on my lips as I sat on the sands. It's actually been a while since I last came here.
Naalala ko, noong bata ako, dito rin ako madalas magliwaliw. Dito ako tumatakas. Lihim lang lagi noon. It was like the only secret I had to keep from Nana. The darkest one as well.
Pero ngayon, tuwing naaalala ay natatanto ko kung gaano lang kasimple at kapuro ang pamumuhay noon. Natanto ko kung gaano na kalaki ang pagkakaiba ng lahat.
Ngunit kasabay noon ang pagiging malinaw sa akin ng nakaraan. Na sa likod ng isang musmos na tupa ay nakatago ang mga dambuhala at mga ganid na lobo, nakadamit bilang kauri.
Kahit ang totoo, naghihintay lamang sila ng tamang panahon upang sumalakay. Panahon para makuha muna ang aking loob bago mahalina sa kanilang patibong. At hindi ko na lang namamalayan, wasak na pala ako.
I wonder then, how ruthless can people be? Hanggang saan ang kasukdulan na kaya nilang gawin buhat ng matinding emosyon tulad ng galit, inggit, at lungkot?
Tumingala ako at pinikit ang mga mata, dinama ang marahan na sikat ng araw na sumisilip sa puwang ng mga dahon ng Banalo. At ang hangin, na tila kinakalma ang punyal na nakapatong sa aking balikat upang gumaan iyon.
Subalit kaakibat ng tanong na iyon ay ang panibagong anggulo ng emosyon. Hanggang saan naman kaya ang kayang tiisin ng isang tao sa labis na kabutihan, pagtitiwala, at pagmamahal?
Hah. Is there even such a thing as that? I don't think so. My faith in unconditional love has long perished.
I mean, how can I? When all I have suffered my whole life was betrayal, hypocrisy, and seamless pretense all at once? How can I beat monsters without becoming one?
I smiled bitterly. Hindi ko alam paano. Hindi ko alam kung posible nga iyon. Basta ang gusto ko na lang ay masagot ang mga katanungan na matagal ko nang dinadala. At umaasa akong masasagot ko na iyon sa puder ng mga Lascano.
Hindi na rin naman ako nagtagal masyado sa dalampasigan. Matapos kong magnilay-nilay at magpaalam kay Azul, lumisan na rin ako upang maghanda na sa pagpasok. Pagkatapos noon, dala ang aking bag, mabigat kong nilakbay ang mga mata sa buong silid bago lumabas.
"Madalas naman ang pagbisita mo rito, sabi mo," ani Jackie habang nagkikibit-balikat.
Sila ang sumalubong sa akin sa labas ng kuwarto. Sila ni Jacob na siyang nagpresintang magdala ng aking bag ngunit tinanggihan ko. Kaya ko naman. Tsaka, isa lang naman ito.
"Sa mga Lascano ka na uuwi mamaya," Jacob said more than ask when we started walking.
Tumango ako. "Ganoon na nga."
"Mami-miss ka namin."
Lihim akong natawa. Sinulyapan ko siya habang palapit na kami sa hagdan.
"Crush mo pa rin ako, ano, Jacob?" I teased.
He blushed but managed to furrow his eyebrows to prove his point.
"Ano? May nililigawan na ako, Lumi!" pangungumbinsi niya ngunit napasimangot ako. Hindi dahil sa may nililigawan na siya kundi dahil-
BINABASA MO ANG
That's What They Told Me
Mystery / ThrillerLumi-as someone who's being told what to believe and hope in everything as she grows up-reckons that living is a way to comply with and entrust one's entire life to serving superiors on top of the hierarchy. Who will not think of that way anyway? B...