Chapter 7

25.8K 950 430
                                    

Chapter 7

Pridyeder

"Alalahanin mo ang mga bilin kong bata ka. Ilang ulit ko nang tinuktok sa utak mo kung gaano kadelikado ang paligid."

"Wala naman po kayong dapat ipag-alala, Nana. 'Yung kambal lang po talaga ang kasama ko."

Tumalim lang ang tingin niya sa akin. "Alam ko. Pero kahit kanino dapat kang mag-ingat. Maski kanino!"

"Maski po sa inyo?" I asked innocently as I glanced at her through the mirror.

Panandaliang nangibabaw ang katahimikan sa silid. Taimtim lang na nakatingin sa akin si Nana mula sa likuran ko kaya pinagpatuloy ko ang pagsuklay sa mahabang buhok.

"Maski kanino." Iyon na lamang ang nasagot ng matanda.

Tumango ako at hindi na pinahaba pa iyon dahil naiintindihan na naman nang lubusan.

Aaminin ko, masaya ako na nakapag-usap na kaming muli ni Nana. Akala ko'y magtatagal pa nang mas mahabang panahon ang tampo nito sa akin ngunit bumalik na naman sa normal kahapon ang lahat.

Huwebes ngayon ngunit tulad kahapon, pansamantala munang itinigil ang pagtuturo sa akin ni Senyorito. Bukod sa naging abala na ulit sa kanilang eskuwela na dinagdagan pa ng ani rito sa hacienda, si Nana na rin mismo ang nagbilin na magpahinga muna sa kung anong ginagawa namin.

I believed she's just concerned about Zaro's studies and other responsibilities. Sa dalawang araw kasi na ginugol namin sa kanyang paggabay at pagtuturo sa akin, hindi na rin ako masyadong nakakatulong ng gawain sa mansiyon kaya sang-ayon din ako na itigil muna.

Kahapon, ginugol ko ang buong araw sa paglilinis at pagsama kay Nana. Pati na rin syempre sa pakikipaglaro at pag-aalaga kay Azul, partikular na trabahong nakatoka sa akin.

Sa totoo lang, pansin ko ang pangamba ni Nana sa bagong aso at alam kong may halong pagdududa. Ngunit nakumbinsi na rin siguro ni Zaro na makatutulong ito sa lupain kaya hinayaan na rin ng matanda.

"Nitong mga nakaraan, pansin ko ang pagdalas ng pakikisalamuha mo sa Senyorito. May dapat ba akong ikabahala, Lumi?"

This time, I sensed a different warning in her tone. Something more suspecting. One that made me stop from what I was doing and urged my heart to skip a beat.

"Nana, wala po. Simpleng pagtuturo lang ang ginagawa ni Senyorito."

Hindi ito nakapagsalita at nanatili lang sa akin ang mga mata. Bumuntong-hininga ako, tuluyan nang nilapag suklay.

"Uhm... M-Makakatulong daw po iyon sa kaligtasan ko para... ipagtanggol ang sarili at malaman ang mga dapat iwasan. Para sa kaligtasan ko."

Her face pacified in an instant. Bumalik ang munting kurba sa mga labi nito ngunit tila may malalim na pinapalagay sa isip.

"Para sa kaligtasan mo?"

I smiled. "Opo."

Para siyang nabunutan ng tinik. "Natutuwa akong marinig 'yan. May malasakit talaga ang batang iyon maski sayo kaya makinig kang mabuti at sundin ang mga turo, ha?"

Masunurin akong tumango, hindi na pinigilan ang namumutawing galak sa timpla.

"Salamat po. Pagbubutihin ko po lalo."

"Sige na. Marami ka na rin namang nagawa sa hardin. Mukhang hinihintay ka na rin ng kambal."

Sabay na kaming lumabas ni Nana at tama nga ang hula niya. Dahil sakto lang din sa aming paglabas ang pag-akyat ng magkapatid, abala pa ata sa kanya-kanyang papel na dala.

That's What They Told MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon