Chapter 41

21.3K 653 1.5K
                                    

Warning: Please be advised that this chapter contains explicit content not suitable for young audiences.
--

Chapter 41

Blood

 

The week has been a smooth sailing since that day. For a couple of days, I felt so magical and euphoric.

Kahit papano ay napapagtagpi-tagpi ko na rin ang mga pinag-usapan noong araw na iyon. Who would have thought that Senyor Danilo's impeccable intellect was bestowed by Mama before?

The Superiors of Aurdel have the prowess to endow or grant prominent humans a gift that they deserve. Our ancestors helped and protected Castel and Casteleños. But not until when everything screwed up. People became abusive; we were erased.

Sa tulong din ni Zaro at ng aking pamilya, unti-unti ko ring natanggap ang aking kapalaran, maging ang aking mga pagkukulang bilang anak ng maharlika.

Ngunit hindi ibig sabihin na tanggap ko na ay susuko na rin akong lutasin at alamin kung bakit nagkaganito. Sa halip, mas determinado akong paghusayan para mas maging karapat-dapat sa aming lahi. Isa na akong kahihiyan. Ayaw ko nang palubhain pa iyon.

"Uh... Ano po bang sabi niya?" nahihiya kong tanong kay Mama nang nakauwi na noong gabing iyon.

Na-glue na ata ang mga mata ko sa suot na singsing. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon. Mas kapani-paniwala pa ata kung iisipin kong nananaginip lang ako o nagdedeliryo.

Ngumuso ako. Bakit ba kasi biglaan? I knew I told him I want to marry him that same morning. I almost begged even. But I didn't expect it to be this abrupt! Hindi ko akalaing mas excited pala sa akin si Zaro.

"When you excused yourself earlier, he asked for our blessing to take your hand," nakangiting sabi ni Mama.

Tumikhim ako at napabaling sa kanya. "Ginawa niya po iyon?"

She nodded. Inabot ni Mama ang aking kamay at pinagmasdan ang singsing na suot ko.

"He made sure that everything's settled before asking for my blessing. And as I listened to him, anak... I sensed nothing but sincerity and devotion to you."

I was engrossed in Mama's testimony. Mula sa aking singsing, inangat niya ang kanyang mga mata sa akin at matamis na ngumiti.

"The way he expressed himself and his intentions, I remembered his father in him, Ahsaki. Sila ni Donatello, I realized they're so alike. Both passionate and genuine men."

Mistulang tumagos ang mga salitang iyon sa aking dibdib upang haplusin ang aking puso. Bukod sa ipinakitang paggalang at respeto ni Zaro sa opinyon ng aking pamilya, I had no idea that Mama had that kind of judgment of him. After all those conflicts and disputes, she remained fair and impartial.

Hinatid ako ni Mama patungo sa aking silid dahil aniya, gusto niya pang sulitin ang nalalabing oras namin sa gabing ito.

I doubted it though. May palagay ako na dahil engaged na ako, pakiramdam niya ay limitado na lang ang oras ko para sa kanila bagay na hindi ako sang-ayon.

Sabi naman ni Zaro, hindi porque may singsing na ako ay kailangan na naming madaliin ang lahat. Gusto niya akong bigyan ng sapat na panahon, bagay na sobrang naa-appreciate ko.

He wants me to further enjoy my freedom and youth until I'm ready. Because as he put it into words, he just wanted to secure that there's no taking back anymore.

At isa pa, hindi ko kailanman nakikita ang sarili na muling malalayo kina Mama at Ate. Pati na rin sa mga Lascano. Kasi kung ako ang papipiliin ay mas gusto ko na lang na manatili sa Castel.

That's What They Told MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon