Chapter 2

36.4K 1.3K 975
                                    

Chapter 2

Safety

"Hoy, Lumi!"

I locked my lips as I turned to a familiar voice. Isang nakabusangot na Jackie ang tumambad sa akin.

Syempre, alam ko na ang pakay nito ngunit labag man sa loob ay inensayo ko na ang gagawin.

"Jackie," I smiled, the more reason for her to be furious.

Pagkatigil sa harap ko, nilahad niya ang kamay at tila inip.

"Iyong papel, akin na."

"Tungkol don, Jackie, sorry. Dahil sa trabaho kanina sa kwadra, hindi ko namalayang naiwala ko 'yung papel."

Hindi pa man ako tapos sa sinasabi, napamulagat na siya sa pinaghalong gulat at inis.

"Ano?! Kainis ka naman, Lumi, e!"

Bahagya akong napayuko. "Pasensiya na talaga."

"Bigla mo kasing hinablot! Tapos burara ka naman pala!"

Hindi na ako nagsalita at tinanggap na lang ang mga sentimyento nito.

To be honest, I don't know what's gotten into me that I have to resort to mendacity like this.

Ayoko naman talaga ng ganito. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang magsinungaling at magtago kay Jackie para lang sa isang kakatwang papel.

Ngunit may parte sa akin na nagsasabing hindi lang iyon pangkaraniwang sulat. Wala mang ebidensiya o ibang salik na makapagsasabing may kabuluhan ang mensahing iyon, malakas pa rin ang kutob kong may kuwento sa likod ng kapiranggot at lumang papel na nakita.

Tangan ko ang mga hinanakit sa akin ni Jackie pero tinanggap ko iyon. I endured it since I deserved it anyway. Mas makokosensiya pa siguro ako kung hindi nito nilabas ang sama ng loob sa akin.

"Oh? Bakit ang aga mong bumalik? Ni hindi pa oras ng tanghalian, Lumi," si Nana pagkakita sa akin.

Galing ito sa kusina, marahil ay sinilip ang mga kasambahay na abala sa pagluluto. At tulad ng mga napapansin simula pa kaninang umaga, mas maaga ang paghahanda para sa tanghalian kumpara sa ordinaryong araw. Nagtaka ako lalo.

"Pinaalis po ako ni Senyorito," pag-amin ko sa matanda, nasa kusina ang dungaw ng mga mata.

"May nangyari na naman ba?" may pag-aalalang untag nito.

Binalik ko kay Nana ang tingin at napabuntong-hininga.

"Bukod po sa pagkahuli, wala naman pong ibang problema. Bigla na lang akong pinaalis ni Senyorito."

"Hmm. Ganoon ba?"

"Opo, Nana. Bakit po?" I asked out of curiosity when she suddenly went silent.

Mayamaya ay umiling ito. Inabot niya ang braso ko at bahagya akong hinila sa kung saan.

"Tumulong ka na lang sa akin. Marami pang kailangang asikasuhin para mamayang gabi."

"Huh? Ano pong meron?"

Biglang napatigil si Nana sa paglalakad at nabalutan ng gulat ang hitsura. "Hindi ko ba nasabi sayo?"

I tried recalling anything from yesterday that might be fit in this situation but it was futile. In the end, I shook my head lightly as I cocked my head in confusion.

"Parang... wala naman po?" Nag-alinlangan pa ako, hindi sigurado.

Napasapo ito sa noo at tila may napagtanto.

That's What They Told MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon