Short update! Babawi ako sa susunod na kabanata :))
---Chapter 33
Move Out
Sa mga sandaling napako ang tingin ko sa mga matang iyon, mabilis na rumagasa ang masasalimuot na alaala ng nakaraan sa isip. Mga alaalang matagal ko nang sinumpa at tinalikuran.
Subalit hanggang ngayon, para bang kahapon lamang nangyari ang lahat. Klaro pa ang mga binitawan niyang salita noong araw na iyon. Natanto ko na kahit anong gawin kong pamimilog sa sarili, lumipas man ang ilang taon, ay sariwa pa rin ang mga naiwang sugat dito.
Mga sugat. Pero hindi pa sila nakuntento. Binudburan pa nila ng asin at kumukulong mantika sa pamamagitan ng patong-patong na kasamaan at panlilinlang.
What have I done bad to make them punish me like this? Have I been too... easy?
I worked my jaw and clenched my fists as soon as Victor turned his back to me, too. Walang sabi-sabi itong umalis upang lisanin ang buong bulwagan. Iniwan ako at ang iba pang mga trabahante sa labis na pagkasindak.
Nana walked towards me and supported my chin to find my gaze.
"Anong nangyari sa iyo?" she asked me in a weary manner.
I diverted my eyes and smiled faintly.
"A-Ano pong nangyari? Bakit..." Napailing ako at lumunok na lamang upang remedyuhan ang nanunuyong lalamunan.
Hindi ko na kailangan pang tapusin ang tanong. Ilang sandali, bumuntong-hininga si Nana at tumikhim sa akin.
"Malaking problema ang dinala mo ngayon sa mansiyon. Kahit kailan talaga ay hindi ka nag-iisip."
Nagsalubong ang kilay ko. Hindi ko maintindihan. Lito akong humarap sa kanya.
"Ano pong ibig niyong sabihin?"
I knew what transpired a while ago was already a disaster. But the way she expressed those words, it was as if she's barely indicating that there's something more where it came from. As if it was just a heads-up for something worse.
Hindi na iyon sinagot ni Nana at dismayadong pumanhik sa mga tagapagsilbi upang pakalmahin ang munting pagkakagulo. I lost my appetite to eat, too. So I just went back to my room without my usual self.
Hinang-hina akong bumagsak sa kama at dinama ang puso. Now that it's quiet and no one's around, everything latched onto me like a rapid flashback.
Kumunot ang noo ko. Labis akong nilamon ng pinagsamang lito at poot.
Duccio... Where did I encounter that name? Bakit iyon ang tawag ng lalaking iyon kay Duke? Ni...
Masalimuot akong napailing. Halos sabunutan ko na ang sarili.
Kilala nila ang isa't isa. Malinaw iyon. At hindi lang bastang kilala. Sa paraan ng pagtitig at kilos ng hindi inaasahang panauhin, bakas dito na kayang-kaya niyang pumaslang.
That... was a different level of anger I never wished to feel.
Later on, his image suddenly popped into my head without a permission. Nagtangis ang aking panga.
BINABASA MO ANG
That's What They Told Me
Mystery / ThrillerLumi-as someone who's being told what to believe and hope in everything as she grows up-reckons that living is a way to comply with and entrust one's entire life to serving superiors on top of the hierarchy. Who will not think of that way anyway? B...