Chapter 29

19.8K 703 1.7K
                                    

Chapter 29

Big Girl

 

I woke up the next day, only to find myself inside my own stuffy room wearing a new set of clothes.

Bago iyon ngunit alam kong galing din sa aking tukador. Hindi ko alam kung paano. Wala akong maalalang bumalik ako rito pagkatapos ng...

I pressed my lips together as I squeezed my eyes shut. That steamy night played on my head like a flashback.

His soft lips running over my lips, especially the lower and slightly fuller one, brushing against mine with his warm breath and addictive scent resting on my skin.

That set of expressive eyes... they didn't miss to weigh my reactions to his performance. They were watchful like a hawk's. Plus, the broad shoulders and strong athletic built hovering over me...

That memory ignited burning fire to my entire body. Subalit sa sandaling minulat ko ang mga mata at natanaw ang kisame ng sariling kuwarto, saka lamang ako nahila pabalik sa realidad.

Ang bagong suot na damit. Ang aking kuwarto. Ang malinis na katawan. Biglang sumagi ang pangambang panaginip lang ang lahat. Bumuhos ang kaba sa akin. Dali-dali akong bumangon, hindi na mapakali ang kalamnan.

Ngunit nang kumirot ang ibabang parte ng kaselanan, imbes ata na mapadaing sa sakit ay para akong nasiraan at namula pa.

"He really is boyfriend now. He loves me. We made love and..."

Hindi ko na ata kayang dagdagan pa iyon. Sinuportahan ko na lamang ang sarili at dahan-dahang tumayo.

Suot ko pa rin ang contact lenses. Kung ako talaga ang bumalik dito, paniguradong tinanggal ko iyon pero hindi. Naisip ko na baka hinatid ako ni Zaro kanina. Siya na rin ang nagsuot, panigurado, ng mga damit ko.

I flushed profusely and scolded myself. If I continue these crazy daydreams, baka wala na akong magawa buong araw kundi lamang ganoon!

Inayos ko na lalo ang istilo. Pero mayamaya'y nahuhuli na lang na nakatulala sa salamin kaya pagsasabihan na naman ang sarili.

I picked my phone. Sa sobrang ligaya ko yata ay hindi ko na alintana kahit full moon pa ngayong araw. Palagay ko, wala nang makakapagpabago ng kasiyahan ko. Gusto ko na agad bumaba at hanapin si Zaro.

Namilog ang mga mata ko nang may naalala.

Oo nga pala! Ngayon na rin kami luluwas ng Maynila!

Ngayong araw iyon. Imbes na lumabas agad ng silid ay nag-double check na lang ulit ako ng mga dadalhin kong bagahe.

I smiled excitedly to myself. Who would have thought that this is going to happen?

Parang kailan lang, ang dami kong pangarap. Ang daming kahilingan, ngunit tinanggap ko na malabong maabot dahil hindi hamak na walang maipagmamalaki. Napakalayo at halos imposible. Wow. It was all thanks to him. I smiled to myself. He made all my wishes come true. But little did he know, he was the biggest dream of them all.

Pagkalipas ng ilang sandali, nakuntento na ako. Anong oras kaya aalis? Hindi naman siguro kami nagmamadali dahil kung ganoon, dapat kinakatok na ako para sabihang maghanda na.

I finally left my room to go downstairs. I decided to just do my usual chores for the mean time. I didn't want to rush anything.

Bukod kasi sa hindi ko pa tiyak ang plano, mas mabuti kung makakausap ko muna ang kambal bago lumisan. I wanted to do gardening with them like we normally do.

That's What They Told MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon