Chapter 17
Tuhog
Bumuhos sa aming lahat ang labis na kahihiyan dahil sa nangyari. Pero ilang sandali pagkalagpas sa amin ng grupong iyon, muling umingay dahil sa sisihan at kantyawan.
"Mga siraulo kasi kayo! Kanina pa kayo pinagsasabihan," anang Eric.
"Sana kasi sinabi niyong padaan sila Victor! Nakakahiya tuloy!"
"Rinig na rinig ba pangalan ni Kobe? Nakita mo 'yung hitsura ni Grace?! Priceless!"
Napalitan ng tawanan ang tensiyon habang pabalik na kami sa classroom. May mga kaeskuwelang nakakakilala at bumabati sa amin. Tuwing may nagko-congrats dahil nakasama sa Most Outstanding, tanging ngiti at tango lang ang naisasagot ko. Dahil sa bigat na nararamdaman, kahit magsalita ay hirap na hirap ako.
Lalo na pagdating sa silid, inulan ako ng samu't saring bati at papuri. Tuwing may nagbibiro tungkol sa kung paano ko nagawa iyon, sinisikap kong makisalamuha sa tawanan. Pero ang totoo, parang nahulog sa bangin ang puso ko sa sobrang bigat noon.
"Top 1 na naman si crush! Grabe, bakit ang perfect niya masyado?" Dessa almost cried her happiness.
Sa kanya nalipat ang atensiyon ng mga kaklase dahil sa eksaheradang sigaw niya sa gitna. Tipid akong napangiti bago sumandal nang umakto siyang nangingisay. Sinampal-sampal naman siya ng iba pang kaibigan para kunwari gisingin sa katotohanan.
"Des, gising na! Pulutin mo panty mo natatakapakan ko!"
Tawanan.
"Hay! Okay na sana, e! Kaso bad shot kasi ang epic fail kanina sa quad! Alam mo 'yon? 'Yung parang wala naman siyang sinasabi pero feel mong nilu-look down ka niya?" she grunted.
Dahan-dahang nabura ang kurba sa mga labi ko. My eyes dropped on my hands clasped with each other as I listened to that. Like it was a perfect representation of what I was feeling that time.
"Minsan na nga lang matignan ni Victor, tapos parang nandidiri pa siya sa kagagahan ko! Lord, ang bad timing naman, e!"
Upon hearing his name, my ears twitched in an instant. So... Dessa's crush was Victor?
Bahagyang umawang ang bibig ko at pinagmasdan ang nagmumukmok na kaibigan.
"Ang tayog naman kasi masyado ng pangarap mo, sis! Kapag ganyan ang kursunada, dapat handa kang maligwak!" sigaw ni Janine mula sa tabi ko.
I bit my lower lip.
They're right. Zaro must be disgusted with me right now because of that obscene commotion they've witnessed in public. They must think it's silly and childish. Hindi pa nakatulong na pahara-hara kami sa daanan nila kaya sobrang nanlumo ako sa kaisipang iyon.
Pero naisip ko, pagkatapos marinig ang opinyon ng mga taong tinitingala siya sa paligid, kahit ang makaramdam ng kahihiyan sa nangyari ay parang hindi tama at walang saysay. It shouldn't be taken too seriously and personally because people like them, they wouldn't stress themselves over insignificant quirks like that.
They had a lot of stuff to think of than those trivial stuff. It's not even worthy their precious attention so feeling this way is somewhat... invalid.
I sneered to myself and sighed in dejection.
Nanumbalik sa akin ang paraan ng titig niya noong mga sandaling iyon. It's probably a look of total disappointment. I shook my head lightly, shoving those ideas off my senses. Way to go, Lumien.
"Ayos ka lang?"
Napamulagat akong sumulyap kay Janine nang tapikin niya ang balikat ko. My lips twitched in surprise but nonetheless nodded at her.
BINABASA MO ANG
That's What They Told Me
Mystery / ThrillerLumi-as someone who's being told what to believe and hope in everything as she grows up-reckons that living is a way to comply with and entrust one's entire life to serving superiors on top of the hierarchy. Who will not think of that way anyway? B...