Thank you for voting and leaving comments. I appreciate it a lot. Enjoy reading!
--Chapter 21
Promises
Dahil tuloy roon, wala ako sa sarili pagkarating sa classroom. Sa kabutihang palad, pinagpasalamat kong abala sa pag-uusap ang karamihan sa mga kaklase. Hindi nila masyadong napansin ang pagdating ko.
Huminga ako nang malalim, mabigat na nagtungo sa upuan. Tinuon ko ang kanang siko sa desk at sinandal sa palad ang sentido, lalong lumalim ang daloy ng isip nang natulala na sa kawalan.
Kobe Lascano... What are you up to? Are you one of those people they warned me about?
Pumikit ako at sinubukang humagilap ng kapayapaan sa isip.
"Nakita ko nga. Legit 'yung starstruck ko!"
"Alam mo 'yung ganda na nakaka-intimidate? Feeling ko hindi ko siya kayang kausapin! Parang hindi ako worth it ng laway niya ganon! Sarap magpatapak!"
Rinig ko ang tawanan nila. Napadilat ako.
"Pero may ilang nakakita raw na nilapitan siya nila Grace. Parang may seryosong pinag-uusapan."
"Huh?! Naku! Kapag iyan sumanib sa grupo nila, ewan ko na lang!"
"Hindi nila deserve! Like, ang toxic kaya at mukha lang silang kuko ng transferee!"
Naisip kong nakita na nila ang bagong kolehiyong estudyante dahil sa pag-uusap. Wala ako sa wastong kalagayan para makihalo kaya nakuntento na lang ako rito. Tahimik lang ako at sinubukang i-relax ang sarili.
Pagdating ng dismissal, mabilis akong nagpaalam sa mga kaklase. Pinuna nila ang pagmamadali ko pero tanging kaway na lang ang naisagot ko. I couldn't bear them finding out my skepticism towards Kobe. Hangga't maaari, sasarilinin ko lang iyon. I didn't want to stir issues again.
Pagkababa, napalagay ako kahit paano nang hindi ko nasilayan si Kobe kahit saan. He would surely stand out from the crowd if he's here. Naisip ko na baka biro niya lang ang sinabi kanina. Ako lang itong paranoid sa bagay na iyon.
But I was wrong.
I realized that the peace of mind I had was only short-lived. Dahil sa hindi kalayuan, natanaw ko ang malaking puno sa gitna ng quadrangle. Laking gulat ko nang naroon si Kobe, nakasandal at tila may hinihintay.
Because of that, I was reticent to continue. Mabilis kong nilibot ang paningin para makahanap ng panibagong ruta.
Pinagtitinginan ako. May iilan ding ngumiti at bumati. Medyo sanay na ako roon dahil sa mga kaganapan nitong nakaraan. Pero sa loob-loob ko, hindi ko pa rin kayang tagalan ang atensiyong ganito kaya gumilid na lang ako nang husto.
Buong sikap akong nakibagay sa paligid para hindi masyadong halata sakaling mapalingat si Kobe rito.
My heart hurt when my thoughts latched onto me afterwards. Do I really have to live a life full of fear and uncertainty?
Pansamantala akong nawala sa sarili habang naglalakad patungo sa parking lot. Pagkaangat ko ng tingin sa dinaraanan, nagtaka ako sa kakaibang tingin sa akin ng mga nakakasalubong.
Base pa sa kilos nila, pagkatapos tumingin sa akin, susulyap naman sa likod ko. Inabot pa akong ng ilang sandali bago kutuban sa kung anong meron.
I glanced over my shoulder to check what's there behind me. And the moment I saw Kobe tailing me almost a meter away, my heart pounded against my rib cage. Natigilan ako sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
That's What They Told Me
Mystery / ThrillerLumi-as someone who's being told what to believe and hope in everything as she grows up-reckons that living is a way to comply with and entrust one's entire life to serving superiors on top of the hierarchy. Who will not think of that way anyway? B...