Chapter 11

22.3K 819 781
                                    

Chapter 11

Rain

 

Humigit-kumulang isang oras ang naging kabuuang byahe. Pagkababa ng sasakyan, bumungad sa harapan ko ang isang munting bahay na gawa sa nipa. Sa likod nito ay nagtataasang puno ng niyog habang sagana naman sa iba-ibang uri ng halaman at bulaklak ang harap at munting hardin ng bahay.

Nalaman kong kasalukuyang nasa baryong ito ang manggagamot para sa kanyang misyon. Kaya hindi ganon kadaling makapunta sa mansiyon ng mga Castellano.

"Victor! I'm really sorry for the inconvenience."

Isang malamyos na tinig ng babae ang nagpalingon sa akin patungo sa gilid.

Senyorito shifted from his weight to approach the lady in her mid-twenties. She looked young for a doctor. Iyon ang unang pumasok sa isip ko.

Wearing a simple pink dress, she looked elegant and fresh. Sa likod niya ay isang lalaki at babaeng hinuha ko ay mag-asawang nagmamay-ari ng bahay na ito.

"I understand," Zaro replied politely.

He crouched the moment the lady put her hand on his shoulder, like it has been their known routine everytime they meet. Naglapat ang pisngi nilang dalawa at isang matamis na ngiti ang pinakita ng babae.

I pursed my lips, trying to be nonchalant about it.

"Is this the patient?" she then turned to me, smiling.

I could feel my cheeks heating up. Humarap na rin sa akin ang Senyorito at marahang tumango.

"Yes," he simply answered but his eyes were intense on me.

Imbes na suklian iyon ay sinikap ko na lang na ngumiti pabalik sa babae.

"Hi! I'm Nurse Reyes. Isa ako sa mga support team ni Doc Danilo but unfortunately, he's out for Manila and I'm doing my medical mission in this village."

Tumango ako. Mabilis na nag-isip ng sa akin.

"Lumi..."

Gusto kong bulyawan ang sarili sa walang kuwentang sagot. Iyon na 'yon?

Pero nang ngitian niya lang ako, tingin ko naman, ayos lang sa kanya iyon. Sa bagay, sa ganoong propesyon, paniguradong nakasanayan na nila ang ganitong pakikisalamuha.

We were led inside the house. Nakakahiya pa nga dahil kailangan pa naming sumingit para lang sa isang kagat ng aso.

I was injected with two types of vaccine. For the whole time, the only people conversing mostly were Nurse Reyes and Zaro. Sa Senyorito na rin sinasabi lahat ng procedure maging ang pag-aalaga sa sugat upang makaiwas sa infection. Habang ang mag-asawa, todo tanong sa mga kailangan at gusto naming kainin.

"How's Victoria? It's been months since we last saw each other!"

"She's currently in Singapore for another business venture," sagot ni Zaro pagkatapos kainin ang cassava cake na hinanda ng pamilya.

Lalong nangiti si Nurse Reyes habang marahang pinapahiran ng ointment ang sugat ko. Dahil sa biglaang pag-angat niya ng tingin kay Senyorito, bahagya akong nakaramdam ng hapdi roon ngunit tinago ko ang reaksiyon.

Zaro seemed to notice my flinch. His mouth set a hard line as he shifted his gaze down to my arm. Napainom ako ng tubig. Inignora ko ang kabang nanunuot sa kalamnan.

"I hope it'd be another success. Ikaw, Victor. Have you ever been in Singapore?" she giggled.

Pinaglaruan ko na lang ang laylayan ng aking damit at doon tinuon ang atensiyon. Gaano kaya katagal ang aabutin ng pinapahid sa akin? Does it really have to be this sustained and slow?

That's What They Told MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon