Chapter 8

23.5K 966 675
                                    

Good day and thank you for reading! Every vote, comment, and reader is very appreciated :))
---

Chapter 8

Routine

"Dapat sa kuwarto na lang ang batang ito, Victor," problemadong wika ni Nana.

Napayuko ako, inabala na lang ang sarili sa mga nakahaing putahe sa harap ko.

Nangyari ang utos ng Senyorito. Lahat ng trabahanteng stay-in dito sa mansiyon ay narito't kasama niya sa pagkain, maging ako.

Hindi ko mapagkakailang tama si Nana. Dapat ay sa kuwarto na lang ako. Iyon naman talaga dapat tulad ng dati. Nasanay na akong kumakain nang mag-isa sa silid ko. Hinahatiran na lang kung kailan hindi na abala ang lahat. Dining with a large group of people would always feel brand new to me.

Buong ingat kong inangat ang mga kubyertos sa takot na makalikha ng kahit maliit na ingay. Halata mang intriga ang lahat sa opinyong iyon ni Nana, pinilit nilang huwag makialam o sumulyap man lang. Maliban kay Jackie.

"She's also a helper. Lahat ng narito ay parte ng Castellano," Zaro answered politely.

Lihim akong napasilip sa kabisera kung saan ito nakaupo. Halos lumundag ang puso nang nakitang nakatanaw rin ito sa akin habang ginagalaw ang kubyertos sa pinggan.

Hindi iyon nagtagal dahil binaba niya na rin ang atensiyon sa kanyang pagkain. Napalunok ako.

"Hay naku! Isa pa, dapat hindi ka na nag-abala pa. Maaari naman kaming maghapunan na lang mamaya pagkatapos mo rito," patuloy ni Nana ngunit patuloy namang nilalantakan ang pagkain.

Zaro shook his head lightly as he roamed his eyes to everyone.

"Maliit na bagay lang po ito para ipahayag ang pasasalamat ko sa lahat."

Bakas ang tuwa sa histura ng mga tao. Napagaya na rin ako. Gumuhit ang munting kurba sa mga labi ngunit nabitin iyon dahil huling nasulyapan ng Senyorito.

Goodness! I almost choked on my own food for that unexpected turn. However, he looked normal when Nana began to open up a new topic. Bigo akong bumuntong-hininga para sa sarili.

Hanggang kailan ka magkakaganyan, Lumi? Hindi iyan pwede. Hindi habambuhay, kailangan apektado sa lahat ng galaw. Why do you have to be so tensed? Having a clueless mind about these things was making it all more complicated for me. I don't know what to do anymore.

Nakatulog ako sa gabing iyon nang iniisip kung may posibilidad bang konektado ang papel sa pulseras na nahanap ni Jacob. Ni wala ring ideya kung ano ang katibayan ko para masabing makakatulong nga iyon para sa pagtuklas ko sa kakatwang kahulugan sa likod ng palaisipang ito.

Mayron nga bang katuturan lahat o guni-guni ko lang lahat? Hindi ko na alam. I think the only thing I was holding onto was my hunch and skepticism about this. Why?

"Why, Azul?"

Tumahol ang kausap na aso. I bent my knees to pet him.

Biyernes ng umaga. Kakatapos ko lang itong pakainin kaya ang laki sa layaw na aso, nakahilata na lang ngayon sa sahig na animo'y kontento na sa buhay.

Napangisi ako. "Nauna ka pa sa akin kumain, ha? Spoiled ka."

Muli niyang tinahulan iyon at napabangon na. Tipid akong natawa. Siguro naintindihan niya ang paratang ko.

Iyon nga lang, nagtaka na ako nang ilang sandali, halos kumendeng na ang bewang nito kakakawag nang masigla sa kanyang buntot, tahol nang tahol.

Instead of me, I noticed his eyes on somewhere else so I followed it, leading me all the way to my back to realize who's the reason behind Azul's enthusiasm.

That's What They Told MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon