Chapter 24

17.4K 612 891
                                    

Long update. Hope it's fine. Enjoy reading!
--

Chapter 24

Prophecy

I didn't know what's going on. But the next thing I knew, I saw myself half-running on my way to the parking lot just to escape that dreadful commotion.

Pagkatapos ng nangyari, hindi ko na sila maintindihan lahat. Naging magulo ang buong paligid, hindi na nakontrol ng aming prof ang mga kaklase. Naghari din ang kaingayan kaya nabulabog maging ang mga katabing silid.

"Sabi ko na nga ba. Una pa lang, ang dami nang kakaiba sayo!"

"Sugo ka ng mga Aurdel, ano?! Anong ginagawa mo rito? Balak niyo na naman kaming salakayin?!"

"Engkantada! Binighani mo lang ang mga lalaki! Kahit sina Victor at Kobe nabiktima mo!"

Umiling ako at miserableng naiwang mag-isa sa kinatatayuan. Nakatanggap ako ng iba't ibang akusasyon at panunuligsa. Ngunit wala talaga akong alam sa lahat ng binabato nila sa akin.

Nanginig na ako sa takot. Lalo na nang umabot na sa puntong pinagbababato nila ako ng kung ano-ano. I saw scratches and a small cut on my arm. Tingin ko pa ay napano rin ang aking noo dahil humapdi iyon.

In between my tears and sobs, I scanned everyone around, hoping that there's still someone who could trust me. Or hesitant about those accusations at least. But I failed.

I shivered when even Oliver, Ben, Bado, and Ericson, the only people who still gave me a chance to prove myself and were there for me when almost everyone turned their backs, were now looking at me with disgust and resentment in their eyes.

Sa mga oras na iyon, pakiramdam ko ay katapusan ko na. Hindi ko na kinaya pa ang magtagal sa lugar na iyon. Dinampot ko na isa-isa ang mga gamit at mabilis na tinakbuhan ang lahat. Sinubukan nila akong pigilan pero isang sulyap lang sa kanila'y halos matumba na maiwasan lang ako.

I sneered bitterly to myself. They hated me that much, huh? Kahit matignan man lang ay kanilang kinasusuklaman.

Aurdel? I didn't even know that. Bakit naman ayaw nila maniwala sa akin? I tried to explain myself but they seemed to program their ears not to heed any word from me.

They should've listened! Totoo namang natagpuan lang namin sa attic ang pulseras na iyon. Hindi iyon akin. Ni hindi pamilyar ang disenyo nito kaya bakit hindi nila ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag?

I faltered slightly at my thoughts as I wiped the tears from my face. Sinikap kong kalmahin ang sarili ngunit biglang may humara sa daan.

"What the fuck," a familiar boyish voice snorted.

Namilog ang mga mata ko nang natanaw si Kobe Lascano. Nakasuot ito ng varsity uniform habang bitbit ang pambabaeng bag at towel. Basa ang kanyang buhok dahil sa pawis, mukhang kagagaling lang sa ensayo at halos nagmamadali.

Pagkaalala sa namumugtong mata, yumuko ako kaya nakita ang pares ng mamahalin at makulay na sapatos niya.

Oh. Right. Sa isang araw ay sports fest na ng school. Hindi ko sigurado kung maaari pang sumali ang mga varsity na. O nag-eensayo lang ang mga ito para sa mas malaking paligsahan.

It must be the reason why I haven't seen him these days. Maliban lang noong Biyernes. But why did he show up today?

"Pumasok ka rin pala kahit alam niyo namang..." Hindi niya iyon natapos.

Lito kong inangat ang tingin sa kanya. Frustrated niyang pinisil ang sariling balingusan bago marahas na bumuga ng hangin. With sharp eyes, he shifted his gaze to me. Nanliit iyon nang tumagal pa lalo.

That's What They Told MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon