Chapter 4

27.8K 1K 947
                                    

Chapter 4

Mattress

 

I still can't believe it. My first kiss in everything was stolen by Zaro! It also doesn't help that he's unconscious and oblivious. He can't remember a thing! Tuloy, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o sumama ang loob.

It's not fair though. He should at least... remember it, I guess?

I derided to myself. What for, Lumi?

Kinaumagahan noon, mula sa patio ay tanaw ko ang pagpanhik ng kanilang grupo patungo sa kwadra kanina. I think they planned on sauntering around before going.

Linggo ngayong araw kaya naman maagang umalis si Nana para magsimba kasama ang ilang kasambahay. Samantalang ako, naiwan dito sa mansiyon.

Wala namang pinapagawa sa akin ang matanda ngunit hindi ko pa rin maiwasang hindi magtampo tuwing Linggo. Hindi nila ako sinasama. Bawal daw akong lumabas.

Kasalukuyan akong nasa silid habang nakahalumbaba gamit ang parehong kamay, nakatanaw kina Senyorito.

Nilalabas ng ilang trabahante ang mga kabayo habang naghihintay naman ang mga kaibigan nito sa labas ng kwadra.

Nasa labas na ang gintong kabayo ni Zaro, panaka-naka iyong hinahaplos ng mga babae. Mula rito ay rinig pa nga ang tili noong Eliza, napapakapit kay Senyorito tuwing gumagalaw ang kabayo.

Napangiwi ako, hindi masyadong nagugustuhan ang tanawin. Bigla tuloy ako naging kuryoso. Has she been kissed by Zaro, too?

A toxic liquid gushed down to my system. The way she kissed Senyorito on his jaw last night, they seemed cozy and intimate with each other. The idea of them kissing and fondling saddens me a bit.

It's not impossible. But who am I to have a say on that anyway? I'm just a mere kid who was accidentally kissed by him. It's not like he owe me or something.

Nakita kong inaalalayan nang isampa ni Zaro si Eliza sa isang kabayo. Ganoon din ang ibang babae na tinutulungan ng mga lalaki kaya lumayo na ako sa bintana. Kinuha ko ang papel na nakatago sa pinakasulok ng tukador bago magtungo sa attic.

I could still recall Jackie quoting about finding this note in the attic. That's why I'm letting my hunch get the best of me along with my curiosity.

Pagkalabas ng silid, halos lumundag ang puso ko sa nadatnan. Nasa tapat ng console si Fablo at pinagmamasdan ang mga munting palamuti roon. Nang akmang babaling na sa akin, taranta akong napapikit sabay lihis ng ulo.

I heard him chuckle but I still can't look at him. I'm not wearing my contact lenses, this is prohibited!

"My, my. Where's my greetings?" tudyo nito, ramdam ko na ang presensiya sa tabi.

I chewed on my lower lip as I twisted the doorknob.

"W-Wait lang po..."

Hindi na ako mapakali. Pansamantala kong nakalimutan kung paano buksan ang pinto.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote at hindi ko sinuot ang lenses.  Maybe I got too complacent since the attic is just a few meters away from my room.

"Oh, okay. Take your time, Lumi." Fablo snickered behind me. "I can wait. I think..."

Hindi ko na masyado pang nabigyang-pansin ang huli nitong sinabi dahil pagkabukas na pagkabukas ng pinto, minulat ko agad ang mga mata at mabilisang sinuot ang mga maskara.

Nakaabang na si Fablo pagkalabas ko ng silid. Nakasandal sa barandilyang katapat lang ng pinto habang nakapamulsa ang mga kamay. At nang nagtama ang aming tingin, umangat ang dulo ng labi nito. Hindi ko masiguro kung may ibang ibig sabihin iyon ngunit pinalagpas ko na lang muna.

That's What They Told MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon