Chapter 9

24.3K 927 587
                                    

Chapter 9

Late

 

Bahagya kong inayos ang buhok. Nanatiling tahimik ang pagitan namin nang napagdesisyunan niyang basagin ulit iyon mayamaya.

"Lagi ka bang lumalabas nang maaga? Tulad nong nakaraan," he asked. And we both knew what he meant by that.

Natigilan ako. Nagpang-abot ang kaba at pagtitiwala sa sistema. Bukod sa unang beses na nasali sa ano mang usapan ang takas kong pagliliwaliw, natatakot akong baka umabot ito kay Nana.

Gayunpaman, hindi ko alam kung saan ko nakuha ngunit... nakaramdam ako ng tiwala. I don't know if it was the trust or the adoration I had for him. Maybe both.

"You can just ignore the question. But I want you to know that I can keep a little secret," he assured before glancing at me sideways.

His dark and brooding eyes looked more dramatic with his hair gently blown by the wind. Napaiwas ako ng tingin, hindi kayang tagalan ang ganoong ilegal na tanawin.

"Tuwing... uhm... Sabado at Lunes po. Iyon lang..."

Hindi ko alam kung bakit ako nagtiwala. Pero...

"Para saan?" he probed, eyes still directed on me but more intent and heeding.

Nilingon ko ang direksiyon ng dalampasigan at unti-unting napangiti.

"Para po huminga. Para... ipaalalang may mundo pa sa labas."

Napayuko ako. Dahil alam ko sa sariling bukod sa mga iyon, may mas malalim pa. May mas malalim pang dahilan.

I escaped to be my true self, to witness the colorful and saturated radiants of the world's hidden pigments behind the sepia shades of my concealment. It would constantly give me a feeling of relaxation and fulfillment. But at the end of the day, I know, it'd always boil down to one thing.

I was just escaping...

Rinig ko ang hirap na pagbuga ng hangin ng Senyorito. Naagaw noon ang aking atensiyon.

"Gusto kong itigil mo 'yan... But if it means your happiness, I think we need to compromise," he said using a tone almost unfamiliar to me.

"Po?"

Naguguluhan ko itong tinanaw at nakitang parang may malalim na iniisip. Zaro drifted his gaze to me and our eyes locked, offering me an opportunity to marvel the foreign emotions in his deep mysterious orbs.

"It's not safe."

Bahagyang kumunot ang noo ko sa pagkalito.

There they go with that word again.

Nag-iwas ito ng tingin at umamba nang aalis. Ngunit bago pa man humakbang, iniwan niya akong gulong-gulo lalo.

"Stay away from other people. It's dangerous," mariin niyang babala bago ako tuluyang iwan doon.

Suot ko ang belo at pulseras nang dumating ang Sabado. Alas singko pa lang ng umaga, sinadya ko na talagang bumaba sa mansiyon at dumaan sa gilid na bukana para hindi masyadong pansin. Kaso lang, agad akong nagsisi.

"Shhh!" Nilagay ko ang hintuturo sa tapat ng bibig, nagbabaka-sakaling maintindihan iyon ni Azul.

But Azul being Azul, he loved barking to both familiar and unfamiliar people. Lalo na kapag may katagalan ang huling pagkikita.

Sa kaso namin, kahapon pa nang hapon ang huli naming interaksiyon ngunit base sa liksi nito, parang ilang dekada kaming hindi nagkita. Halos sumampa na sa akin!

That's What They Told MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon