Sorry for the late update. Been sick :(( but I do hope you enjoy this chilling update nevertheless!
---Chapter 13
Runes
"Bye, Lumi!"
"Bye!" I waved back to them.
Ngumisi si Janine habang hinihila na siya paalis ni Willa sa room. Sabi kasi nila, may pupuntahan sila sa kabilang bayan. Pista raw doon.
They actually invited me, almost adamant to make me come with them but unfortunately, I got no time for that kind of stuff.
In a span of one week, they managed to understand my situation. I always told them that my guardian was strict so I needed to get home immediately after classes.
It's partly true tho. Iyon naman talaga lagi ang bilin sa akin ni Nana at wala akong balak na suwayin iyon. Letting me go outside the Castellano premises and study was already a huge debt of gratitude. The least I could do was to conform to their restrictions and be compliant to their biddings.
Isa pa, abot-langit na ang kasiyahan ko na matamasa ang ganitong pribilehiyo. Wala na ata akong mahihiling pang iba!
"Lumien, may naghahanap sayo!" rinig kong sigaw ng isang kaklase.
Minadali ko na ang pag-aayos ng gamit. Pagkalingon sa likod, laking gulat ko nang nadatnan si Ericson na kanina pa pala tahimik na nakatayo roon, mahigpit ang kapit sa kanyang bag.
"Eric," I smiled, acknowledging his presence.
Binuhat ko na ang bag ko at lumapit sa kanya. Muli akong tinawag ng kaklaseng nakatambay sa labas ng pintuan dahil sa naghahanap daw sa akin.
I told them my wait because I was sure Eric's here for something. Kami na lang kasing dalawa ang naiwan dito sa dulo dahil ang ibang kaklase'y nagkakatuwaan na lang sa harap o sa labas.
Umayos siya ng tayo, pansin ko ang pagtikhim at pagbaba ng tingin sa buhat ko. Bakas man ang pag-aalinlangan, sinubukan niyang ituro ang bag ko bago hilaw na ngumiti sa akin.
"G-Gusto mo ipagbuhat na kita ng bag?" he offered shyly.
Namilog ang mga mata ko at mabilis na umiling. "Ah, hindi na. Kaya ko na nito. Salamat."
"Oh! Uh..." Napasapo siya sa batok. Namula bigla ang kanyang pisngi. "Pero okay lang na ano... sabayan kita sa paglabas?"
"Sige! Wala namang problema doon."
His face beamed. Lumawak ang kanyang ngiti bago imuwestra ang daan.
Sa totoo lang, hindi ko pa rin lubos maintindihan ang ganoong mga senyales.
I think I've seen it almost everyday. Same natural reactions and signals out of generosity and kindness. Kung bakit tila nahihiya pa ang iba na ipamalas iyon ay nakakapagtaka para sa akin.
Kung sa bagay, ganoon din pala ako tuwing nasa mansiyon. I was always the timid and shy one whenever I volunteer to help and approach them. Of course.
Hindi magandang karanasan 'yon kaya hangga't maaari, ayoko ring iparanas sa iba. Pero ganitong mga sandali ay hindi ko pa rin makuha.
Have I gave them a bad impression to act this way towards me? There's no need to be shy when it comes to me because I meant no harm. Seeing hesitations and doubts in their faces made me reflect and ponder. Should I ask them why?
Papalapit pa lang kami sa pinto, pansin ko na ang lihim na sikuhan at bulungan ng mga kaklase.
"Mas mabilis pa si Eric sa Internet ko, Bado!"
BINABASA MO ANG
That's What They Told Me
Mystery / ThrillerLumi-as someone who's being told what to believe and hope in everything as she grows up-reckons that living is a way to comply with and entrust one's entire life to serving superiors on top of the hierarchy. Who will not think of that way anyway? B...