Warning: Please be advised that this chapter contains mature content not suitable for young audiences.
--Chapter 32
Little Boy
Chazz being true to his words, I never saw him again. Tuwing magkakasalubong sa University ay agad liliko ng daan. Kapag nasa iisang party ay aalis din agad.
Hindi na ako nagulat na pagkatapos ng unang taon ko sa kolehiyo, nagpalipat na siya ng school at tuluyan nang nagpaalam sa akin.
Even after that day, boys began approaching me when they heard about our break up. But I didn't entertain any of them.
I decided to focus on my study. Gusto kong makabawi sa mga Lascano pagkatapos ng kahihiyang iyon. After all, since the very beginning of our relationship, it was all just a complete fiasco.
"You know, you should treat us!" anyaya nila Chloe nang napasama ako sa Top 10 ng buong College namin.
Sumang-ayon naman ako dahil iyon din talaga ang plano. When Chazz and I broke up, they didn't bring it up anymore and they respected my silence, which I appreciated so much.
Nang nalaman iyon nila Kobe, balak niya sanang sugurin sa school ngunit tinulungan naman ako ni Azalea pakalmahin ito, kahit siya mismo ay alam kong nagsususpetsiya rin sa buong nangyari. Lumipas na lang ang panahon hanggang sa nakalimutan na lang namin iyon.
However, on my second year in College, I got myself two boyfriends. I found them hot and fun to be with. At kahit may label, nagkalinawan naman na huwag masyadong seryosohin ang commitment. I just did it for leisure whenever I was stressed and exhausted at school and mansion.
Hindi rin naman nagtagal ang dalawang iyon at nagpatuloy lang ako sa aking buhay. Sa ngayon, ikatlong taon ko na sa kolehiyo. Wala pa namang balak magpaligaw ulit.
"Nana, pagkatapos kong magluto, sa library lang ako. Mag-a-assignment lang."
"Oh? Mabuti naman! Akala ko'y magpapaalam ka na namang makipag-date!"
Tumawa na lang ako at nagkibit ng balikat. Nakasalubong ko pa si Senyorita Victoria sa pasilyo. Pareho lamang kaming nag-iwasan ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.
Kakagaling niya lang ng ibang bansa para sa business. Wala namang pinagbago. Each passing days, we're getting cold and cold with each other.
And as per Senyor Danilo, I was able to feel better with him more than Senyorita. Iyon nga lang, sobrang abala rin talaga dahil sa pagiging madalas ng convention at awarding na dinadaluhan para sa kanyang mga breakthrough.
Dala ang mga gamit ko, pumasok ako sa silid-aklatan ng mansiyon at dumiretso agad sa reading area para ilapag ang mga dala.
Sa katunayan, mas madalas na ata ako sa bahaging ito ng mansiyon bukod sa kuwarto at hardin kung saan lagi kong nakakasalamuha ang kambal. Over the past years, wala naman masyadong pinagbago. Well, maliban na lang siguro sa akin.
"Art and Culture..." bulong ko sa sarili habang tinatalunton ang parteng iyon.
Isang mahabang console muna ang madadaanan ko bago makapunta roon. Pero aksidenteng nasulyapan ko ang isang pamilyar na photo album sa ibabaw noon kaya natigilan ako.
Hindi naman siguro ako nagkakamali kung sasabihin kong... ito ang parehong album na pinakita ni Azalea noon.
Something in it's bewitching me to open it. It wasn't usually here so why is it here now?
Kumunot ang noo ko. Pinaghila ko ng silya ang sarili at umupo roon habang nasa tandayan ang makapal na album.
Unang buklat pa lang, tumambad na agad sa akin ang mga lumang litrato. I realized these were old photos of Castellanos. Kumalabog ang puso ko sa hindi malamang emosyon.
BINABASA MO ANG
That's What They Told Me
Mystery / ThrillerLumi-as someone who's being told what to believe and hope in everything as she grows up-reckons that living is a way to comply with and entrust one's entire life to serving superiors on top of the hierarchy. Who will not think of that way anyway? B...