Chapter 28

22K 784 2.4K
                                    

Warning: Please be advised that this chapter contains mature content not suitable for young audiences.
--

Chapter 28

Release

 

Naging mas abala na sina Azalea dahil sa nalalapit na graduation. Ganoon din si Zaro.

Idagdag pa na maraming kailangang asikasuhin sa trabaho na halos wala na siyang pahinga.

Kaya naman tinatak ko sa utak na kapag uwi niya rito, sisiguraduhin kong makakabawi siya ng pahinga at masaya siya sa araw na iyon. Buo na ang loob ko sa aking plano.

"Nandyan na sila!" hiyawan ng mga kasambahay.

Sa kalagitnaan ng pag-aayos ng mga table, dinungaw ko ang hilera ng mga sasakyan pagsapit ng takdang oras.

Kumalabog nang todo ang dibdib ko kaya hindi ako mapakali sa ginagawa, iniisip ang selebrasyong mangyayari ngayong gabi. Ang daming bisita!

"Victor!" si Senyorita.

I wore his gift. Syempre pati na rin ang relo na matagal nang nasa akin.

I also paired it with the pale purple cocktail dress that Senyorita gave me on my eighteenth birthday. Simple lang iyon at wala na masyadong disenyo, bagay na tipo ko sa isang dress. Mahaba ang manggas nito na abot halos sa aking siko.

Simple man ngunit desente at angkop pa rin sa okasyon. Pakiramdam ko, hindi tulad noon ay nakikibagay na rin ako sa paligid ngayon.

Subalit biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Sa hindi kalayuan, tanaw ko na si Zaro. He's wearing a cream white fitted dress shirt, black trousers, and leather shoes. Nangibabaw agad siya sa lahat sa sandaling lumabas siya ng sasakyan.

Ayos na sana. Ngunit kasabay niya sa paglalakad patungo sa patio ay si Eliza Morales.

Unlike mine, her silver dress was shimmering in her every move, paired with a set of expensive jewelries and high stilettos. Agad akong nanliit at nahiya para sa iniisip kamakailan lang.

Mali ka, Lumien. Kahit kailan, hinding-hindi mo kayang tapatan o makihalo man lang sa kanilang mundo. Even the way they walked across the patio towards Senyorita, their pictures online flashed in my head like a flashback.

Wow. Even at this moment where everything was supposed to be natural and mundane, they looked like they're always picture-perfect and camera-ready. Na sa kahit anong anggulo o buka ng bibig ay wala pa ring kapintasan ang hitsura. Mananatili iyong perpekto.

Lalong dumami ang mga bisita. Hinanap ng mga mata ko ang iba pa nilang kaibigan ngunit tanging si Eliza lang ang nakita kong pamilyar.

They probably had their own celebrations, too. But for Eliza, she must have chosen to be with Zaro instead. Kahit alam kong hindi nila gusto sa probinsiya ay pinili niyang sumama para kay Zaro.

Imbes na lumapit sa kanya tulad ng naunang plano, ipinagpaliban ko na lang muna iyon at tumulong na lang sa paglalabas ng mga handa.

Natuwa ako dahil kahit ang kambal, maayos din ang porma ngayon. Nalibang ako sa pagtulong. Hinayaan naman ako ng kapuwa ko mga tagapagsilbi.

Nang nagsimula na ang pinakaprograma, pumanhik na ako sa kusina para maghugas ng kamay at uminom ng tubig.

The last time I checked, he's been surrounded by other clans in Castel to congratulate him. Namataan ko rin ang saglit na pagbisita ni Governor Lascano. Ginawaran niya lang ako ng ngiti mula sa malayo dahil abala pa ako sa gawain.

Sa pagkakaalam ko, malaki rin ang salusalo sa mansiyon ng mga Lascano dahil sa pagtatapos ni Kobe at Azalea. Doon kasi nakatira ang huli kaya doble-doble ang selebrasyon.

That's What They Told MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon