Chapter 15
Eat
"Anong nangyari?" eksaheradang hagilap ng impormasyon nila Janine pagkalapit ko.
Hindi pa ako nakakaupo nang maayos. Puno ng pag-aalala kong sinundan ng tingin si Kael dahil pagkatapos ng nangyari, halata ang kawalan niya ng gana.
Hindi ko alam kung dahil ba hindi ko pa mabasa nang husto ang ugali ng ibang mga tao. O wala talagang pag-asa na maunawaan ko iyon dahil iba mag-isip ang mga lalaki.
I wasn't quite sure. But my guts told me it has something to do with what transpired a while ago. Sure, I recalled Kael smiling at me but I wasn't an absolute fool to not notice something's off with him.
Tatawa-tawang lumapit sa lamesa namin sina Bado at tinuon ang mga kamay sa table.
"Kita namin 'yun, a! Pahiya 'yung Kael. Pati ata sila Victor nayabangan na rin doon!"
"Bado," mahina kong saway.
Umawang ang bibig niya nang napansin ang hitsura ko. Umiwas siya ng tingin at agad din namang binago ang usapan.
"Teka, magkakilala ba kayo ni Victor?" ani Janine.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil binago nga nila ang topic, pero mas matindi naman ang naging kapalit.
Maagap akong umiling. Dama ko ang hustong pag-init ng tenga.
"Seryoso ka, Janine? Hindi nga alam ni Lumi ang kuwento ng mga Castellano, personal pa kayang makilala ang isang Castellano?" tawa nila Des.
I sighed in relief. Tinanaw kong utang na loob iyon dahil sinalba ako ni Des!
Malisyosa akong tinapunan ni Janine ng tingin bago nagkibit-balikat.
Nagpaalam na rin ang mga lalaki. Nagpatuloy naman kaming mga naiwan sa pagkain at bawat kagat sa mga tinapay na pinili ko ay siyang paglamon naman sa akin ng konsensiya. Maski ang ibang produkto na si Senyorito ang naglagay, hindi ko masikmurang kainin ngayon.
As weird as it might sound, but that occurrence circulated around the school for a quite time. Naisip ko, siguro normal na iyon basta tungkol ang isyu kay Senyorito. Hindi man malinaw sa lahat ang simpleng insidente, hindi iyon makakalagpas sa mga tao.
"Mukhang uulan nang malakas, a?" puna ni Willa habang pabalik na kami sa classroom.
Lahat kaming tatlo ay napatingala para tanawin ang langit. True enough, the sky was overcast and gloomy, looking so mysterious with a furtive batch of thin thunders cutting the clouds as it came through.
"May dala kayong payong?" asked Janine.
Tumango si Willa; umiling ako. Gusto kong tampalin ang noo dahil nawala sa isip ko ang bagay na iyon! I remembered myself mentally jotting down that task! How could I be so irresponsible? By that, I charged all the bothering issues around to take account of this.
"May sundo ka naman kaya i-text mo na lang driver mo," Janine advised nonchalantly.
"Wala naman siyang phone, e," said Willa before turning to me. "Gusto mo hatid ka na lang namin mamaya hanggang parking lot if ever umulan? Sabay ka na lang. Doon din naman punta namin."
Hindi pa man natatapos ni Willa ang suhestiyon niya, nagpintig na nang malakas ang puso ko. I imagined them figuring out my connection to Zaro. What if they saw him? His black SUV was pretty popular to the students. There's no way I'd let that happen!
Sa huli, tinanggihan ko ang kanilang alok at tahimik na lang na nagdasal na sana hindi umulan sa uwian. Or at least, sana hindi malakas! Kaya ko iyong takbuhin! Isa pa, sanay na ang katawan ko sa ulan. Minsan lang ako dapuan ng sakit kaya kaya ko... tingin ko.
BINABASA MO ANG
That's What They Told Me
Mystery / ThrillerLumi-as someone who's being told what to believe and hope in everything as she grows up-reckons that living is a way to comply with and entrust one's entire life to serving superiors on top of the hierarchy. Who will not think of that way anyway? B...