Chapter 38

23.1K 815 1.2K
                                    

I deeply apologize for the late update. And if you are able to read the whole thing from Prologue to here, I salute you! Thank you for reading. Every vote, comment, and follow is highly appreciated! We're almost 100k reads, TWTTM thingamajigs!
---

Chapter 38

Questions

 

I feel numb and sick. Hindi ko na sigurado kung pang-ilang ulit ko nang binasa ang liham na iyon.

The precise handwriting, the signature. And most especially, the familiar phrases Zaro used to keep on telling me when he got back here. Lahat ng iyon ay natagpuan ko sa sulat.

Lahat ng iyon ay tumugma sa wakas, bagay na hindi kayang taglayin ng liham na natanggap ko dati kay Nana.

The two letters are so alike, but except for the intention. They are very opposite.

Still crystal clear, the one I received more than three years ago was maliciously rude. It was roughly constructed as if it intended to persecute me.

Well, it did. And even though it has been a long time ago, it still... haunts me.

The vengeful shadows of the past still visit me like a persistent nightmare. The reason why Zaro has been always the face of my traumas since then. I blamed him for all these wounds.

But upon reading this version, everything messed up.

Hindi ko alam kung bakit parang dinudurog ang puso ko habang patagal nang patagal ko itong binabasa. O siguro alam ko naman talaga kung bakit. Pero sadyang hindi ko lang matanggap. Isipin pa lang ay nakakatakot na.

Paano kung ako ang mali? Ayon sa mga sinabi ni Jacob, paano kung ito talaga ang liham na una pa lang ay dapat ko nang natanggap? Ang liham na sinulat ni Zaro para sa akin?

At paano kung... ang sulat noon ay isang malaking kasinungalingan lang pala?

Because of this letter, a bunch of questions has been injected into my mind. But in the end, it all boiled down to one.

Sa nanginginig na kalamnan, mariin akong napapikit.

Sa daan-daang kasinungalingan na dinamitan ng pagpapanggap, alin doon ang katotohanan?

The following day, I found myself waking up still in denial. I was even despondent during our class making my friends question my listless mood.

"May mga iniisip lang..." pagod kong sagot kay Henry nang tanungin niya muli ako.

Sa kabilang table, hindi matanggal ang malisyosang ngisi sa labi ng mga kaibigan. Napailing na lang ako at hilaw na ngumisi sa kanila.

"You shouldn't play with your food," sabi pa ni Henry.

Balak ata niyang galawin ang ayos ng aking pagkain kaya sa gulat, mabilis ko iyong inusog palayo sa kanya. Bakas ang gulat at pagtataka sa kanyang reaksiyon. Saglit akong napapikit at bumuntong-hininga.

"Sorry, Henry. I'm just not my self right now."

"I understand." He shrugged.

Hindi na ako sumagot at pinilit ko na lang ang sariling kumain.

Actually, Henry is our Senior. He's already graduating this year and, apparently, one of my persistent suitors.

Ang totoo niyan, wala naman talaga akong balak mag-entertain ng manliligaw ngayon. Masyado na ata maraming lalaki ang gumugulo sa buhay ko kaya hindi ko pa kayang magdagdag. Kaso lang, dahil sa nangyaring insidente noong nakaraan sa party, kinailangan kong gawin ito.

That's What They Told MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon