Chapter 43

18.8K 559 1.2K
                                    

Chapter 43

Vicissitudes

Habang binabalagtas ang tahimik at sagradong pasilyo ng establisyimento, nanumbalik sa akin ang mga sinabi ni Mama dati.

"They have no other choice but to cooperate with us with all honesty."

"How are you so sure that... they won't betray us? After all, Duccio is a Castellano. The blood running through their veins is the same. Hindi rin malabo na ulitin nila ang ginawa niya noon sa atin!"

"I can sense it, Saki. At masasabi kong mayroon tayong alas na hawak laban sa kanila. Kaya sa oras na magkagipitan, malaki ang mawawala sa pamilyang Castellano..."

Senses...

We have impeccable senses that can never be deceived by mere humans. However, in my case, I had a different scenario.

After that revelation, I realized how fed up I am to be seen by other people as someone who's about to explode like a time bomb.

Sawang-sawa na akong iwasan ng mga tao. At kung tignan man, sawang-sawa na akong makakita ng kung hindi disgusto ay takot naman sa mata ng mga tao.

Gaya ni Nana, ng kambal, at ng mga kasama sa mansiyon noon.

Pakiramdam ko ay hindi ako karapat-dapat sa atensiyon kaya sa tuwing binibigyang-pansin ay hindi na matawaran ang kasiyahan.

But fortunately, there's a drastic change with people's eyes whenever they look straight in mine. Wow. The moment the Castellanos lent me freedom years ago, I was able to socialize and have friends.

Yet for some reason, it's still haunting me up until now. And it's getting worse after knowing the truth behind these eyes.

Senyorita Victoria... she almost died because of these. Subalit dahil sa kakayahang taglay ni Mama, napasawalang-bisa niya ang sumpa ko sa Senyorita.

Iyon nga lang, anila'y kaakibat daw nito ang kasunduan na naging daan para muling magkaayos sa pagitan ng mga Castellano, Lascano, at Aurdel.

Iyon pala ang alas na tinutukoy nina Mama noon. They took that opportunity to make a binding agreement. Before reviving Senyorita Victoria, they signed a contract to cease the dispute between the three parties. At sa oras na malabag iyon, awtomatikong maisasabisa ang kaakibat na parusang itinalaga sa kontrata.

Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit ganoon na lamang ang pakikitungo sa akin ni Senyorita pagkabalik niya mula sa ospital. Tila may nakakahawa akong sakit kung makaiwas. Tuwing may pagkakataong umalis ng Castel ay ginagawa niya.

Maybe she's that scared to me now. At siguro, ganoon na rin ang tingin sa akin nila Senyor Danilo, isang bombang hindi dapat galawin dahil maaaring sumabog, na kapag pinahamak ay siyang pagbawi muli sa buhay ng kaanak, dahilan kung bakit tuluyan nila sa aking pinaranas ang kalayaan.

At ayaw ko noon.

I hate being feared by the people I want to treat like a family. Because Zaro and I have dreams. And it won't be possible if I choose to remain incompetent and incapable. I need to strive harder and find answers now that our situation is getting worse.

So this is where it led me.

"I should've brought you here before. But I was afraid you weren't ready yet," Mama said.

Tahimik lang ako, nahihiwagaan pa rin sa lahat ng nakikita. What on earth am I doing my whole life? Bakit ngayon ko lang natuklasan na mayroong pasilidad na gaya nito sa Castel?

That's What They Told MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon