Chapter 5

26.3K 1K 909
                                    

Hi, thingamajigs! I re-organized and adjusted the entire chapters. Please see the new prologue now. The previous prologue is now Chapter 1. Thank you!
---

Chapter 5

Grateful

Hindi ako mapanatag sa sitwasyong kinalalagyan ko sa mga oras na iyon. Kung bakit nasa loob ng maliit kong silid ang Senyorito ay hindi ko pa rin alam dahil kapuwa kami tahimik lang simula nang papasukin ko siya rito.

Kung may ingay man na maririnig sa paligid, siguro iyon ay ang paminsan-minsang pagtama sa pinggan ng kubyertos ko.

Isa pa, dalawang bagay ang umiikot ngayon sa utak ko. Bukod sa aksidenteng halik noong nakaraang gabi, na malinaw sa aking hindi alam ni Zaro, dumagdag pa ang kakatwang memorya ko sa mapanganib niyang histura.

Was it a dream or a memory? Siguro sa sobrang kahibangan ay nag-iilusyon na ako masyado.

"What are you thinking?" basag ni Senyorito sa katahimikan.

Awtomatiko akong nanigas sa gulat. Napatigil ako sa pagkain. Nang natanto ang kanyang tanong ay nag-init ang mukha ko dahil totoong alam na alam ang sagot doon.

"K-Kung ano pa pong p-pagkakapareho ng matres at mattress..." pagsisinungaling ko.

He scowled at me. Napayuko ako dahil mukhang hindi nagustuhan ni Zaro ang narinig.

Magmula nang pumasok sa silid ay nakasandal lang siya sa dingding na katabi ng pintuan. Habang ako, nakaupo sa mattress at kumakain. Kaya naman nang hilahin niya ang bukod-tanging upuan sa kuwarto ko, napaangat muli ako ng tingin para panuorin siyang umupo roon.

Lihim akong napangiti. Buti naman. Sinadya ko kasing hindi gamitin ang silya para may maupuan ang Senyorito.

I felt shy to be honest. For sure he's bored to put up with this stuffy room because nothing's interesting here.

Nothing aside from the... doodles I drew on the wall when I was still younger. Now, he's currently staring at it, as if he's figuring out what's the meaning of those trivial illustrations.

Kumibot ang pang-ilalim kong labi dahil sa kahihiyan.

"Uh... mga... hayop po iyan. Pangarap ko po kasing magkaron ng sariling alaga noong bata pa pero paniguradong hindi hahayaan ni Nana iyon. Kaya dati gumuhit na lang po ako sa pader para kausapin sila-"

Napatigil ako nang biglang ibaling sa akin ni Zaro ang kanyang atensiyon. Napatutop ako ng bibig. Masyado na ata akong maraming sinasabi.

"Go on."

Gusto kong pumikit. His low growl reverberated in the insides of the small room. My lips parted slightly, but I swallowed the lump in my throat as I continued.

"'Y-Yung pinakamataba si Buff, uh... baboy po siya. Wala akong pink crayon kaya pula ang nagamit ko sa kanya. Eggy naman po 'yung puting aso at Feline po 'yung name ng pusa. Doon po sa kulay blue sa malayo, dagat po iyon. Nasa loob non 'yung alaga kong whale, si Bayley..."

Hindi ko na namalayan ang ngiti habang abalang kinukwento ang musmos na libangan, binabalikan ang mga panahong aktibo pa sa pakikipag-usap sa imaginary pets ko.

Sa kabilang banda, marahang tango ang sukli ni Zaro pagkatapos ko siyang ipakilala roon.

"So, basically... you're a pet lover without actual pets."

That's What They Told MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon