DISCLAIMER
This chapter may contain religious aspects. Please note that this book is work of fiction. Anything that may be related to religion does not reflect real world beliefs. Again, THIS IS A WORK OF FICTION.
×+×+×+×+×+×+×
Time: 09:28
Location: Conference Hall, Kaluang
Narrator
"Now, this is innovation at its finest. I present to you Echoblade! With great metalwork and resources, our researchers at Lebrandt University are able to produce a one of a kind technology," the presenter said infront of everyone as he takes out a black sword from the box and show it around. "Now, this may not look much as this is only a prototype. But please behold!"
Bago pa man maipakita ng presenter ang kayang gawin ng Echoblade ay may tumapik sa balikat ni Amethyst.
"Ikaw po ba si Miss Quinn?"
Nawala ang ngiti ni Amethyst ng makita niya kung sino ang tumapik sa kaniya. Mga batang nasa 10 hanggang 14 taong gulang. Sumama ang tingin niya bago kinuha ang bag na dala niya at sumunod na sa kanila.
Sigurado akong naguguluhan kayo sa nangyayari. Let's roll the tapes back.
Yesterday
Time: 08:45
Location: Conference Hall, Kaluang
Narrator
"Miss Quinn, pinapatawag daw kayo ng director." Sabi ng babaeng nakapolong itim kay Amethyst. May maikli itong buhok at bangs at nakasalamin. Hindi nito matingnan si Amethyst sa mata. Kulang na lang hilingin nito na kainin na lang siya ng lupa.
Ngumiti si Amethyst dahil alam niya na agad ang dahilan kung bakit. Kinuha niya ang bag niya at sumunod na sa babae.
Pinauna siya nitong maglakad. Dinala siya nito sa kabilang hall, katabi ng conference hall. Papasok pa lang siya ay agad niya ng hinugot ang kutsilyo aa bulsa niya.
Mabilis ang pangyayari. Natagpuan na lang ni Amethyst na nakatutok ang kutsilyo ng babae sa leeg niya at ang kutsilyo niya ay nakatutok sa dibdib ng babae.
"Who will die first?" Nang-aasar na tanong niya sa babae.
Tila nawala ang pagkamahiyain nito at sinamaan ng tingin si Amethyst. "Makipagcooperate ka na lang."
"At kung hindi?"
"Sasabog ang buong building."
Hindi sigurado si Amethyst kung totoo ang sinasabi ng babae. Pero hindi niya maaaring i-risk ang buhay ng iba pang school representative na nasa kabilang hall.
Binuksan ng babae ang double door habang nakatutok pa rin ang kutsilyo nito sa leeg ni Amethyst. Kaya naman, walang choice si Amethyst kundi ibaba ang bag niya at maglakad patalikod papasok ng hall.
Hindi nila inaalis ang tingin sa isa't isa. At tila hinihintay kung sino ang unang gagalaw ng kutsilyo.
Thud!
Sa hudyat ng pagsara ng pinto sabay na humiwa ang babae at sumaksak si Amethyst.
Thud!
Natumba ang babae sa sahig habang dumudugo ang dibdib. Pumurol ang hawak nitong kutsilyo. There are still traces of sparks flying caused by the friction of the knife blade and Amethyst's...neck. Wala man lang galos o gasgas ang leeg ni Amethyst. At hindi niya na kailangang magpanggap na magkakaroon.
Alam niya naman na alam ng lahat ng tao rito ang totoo...na sinumpa siya.
Hindi niya na kailangan umikot para malamang may higit isang daang taong naka-itim na polo sa likod niya na may mga sandatang nakatutok sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Will Of A Deity
FantasyTitle: Will of a Deity Universe: A Cold World Series: Through The Border Season: I ☘︎☘︎☘︎ Horizon Academy is a school unknown to the outside world. It is founded by a mysterious being they call Headmaster Chaos. It is governed by four student organi...
