Noong unang panahon, may mangkukulam na nagmahal ng lalaki...na may mahal ng iba.
Nagmakaawa ang mangkukulam para sa pagmamahal ng lalaki ngunit hindi ito kayang ibigay ng lalaki. Matagal ng nabihag ang puso niya ng iba at kahit kailan ay hinding-hindi niya na ito mababawi.
Sa matinding paghihinagpis ng mangkukulam, inusal niya ang sumpang ito.
"Si ngalan ng nakakasuklam niyong pag-iibigan, isinusumpa ko ang magiging bunga nito....
Isinusumpa ko ang paglubog ng kanyang puso sa pighati at kasawian....
Ang kaniyang balat ay titigas tulad ng bakal na nakapalibot sa iyong puso...
Hinding-hindi siya makakatakas sa kamatayan....
At kung mamatay man siya...
Isinusumpa kong sa kamay ng taong minamahal niya..."
"Ugh.." Parang hinahati sa dalawa ang ulo ko. Kailan ba nagkaletse-letse ang lahat?
Iginala ko ang mata ko sa paligid. Nasa bahay namin ako, sa kwartong tinutuluyan ni Amethyst. Nararamdaman ko ang hapdi ng putok kong labi. Tinry kong tumayo pero mahigpit ang pagkakatali sa akin sa upuan. Hanggang paa ko nakatali na rin. Mali pala, nakakadena ako sa upuang ito. Makakapal ang kadena, hinding-hindi ko ito kayang lusawin.
"You're awake," narinig ko ang paglapit niya sa akin. Umupo siya sa harap ko habang hawak-hawak ang espada niya. "Good afternoon, Yael." ngiti niya sa akin.
"Tang.ina.mo. Pakawalan mo ako," madiing sabi ko kay Amethyst na prenteng nakaupo sa harap ko.
"I can't," tinutok niya ang espada sa leeg ko kaya napapigil ako ng hininga. "You're my hostage, remember?"
Kailan nga ba nagkaletse-letse ang lahat?
A few hours before the hostage situation
Time: 09:10
Location: Kaluang
Yael Cortez
Clink, clank,clink,clank,clink,cl....
"Tangina."
Kinakabahan kong pinaglalaruan ang susi na hawak ko. Gagana ba? Talaga bang matatalo namin si Amethyst sa plano na ito?
"Sa iyo nakasalalay ang buong plano, Yael. Pinagkakatiwalaan ka niya."
Yun na nga punto! Pinagkakatiwalaan niya ako? Mali ang iniisip nila! Ayaw sa akin ni Amethyst. Oo, mukhang bati naman kami nitong mga nakaraang araw pero hindi ibig sabihin nun susundan ako ni Amethyst kahit na painin ko siya gamit ang pagkain. Anong pumasok sa mga isip nila para gawin akong center ng planong ito?
"Oh Yael? Ginagawa mo dyan?"
Mukha ni Dre ang tumambad sa akin nang mag-angat ako ng tingin. Nandito ako sa harap ng bahay namin, nakaupo at naghihintay.
"Natatae ka ba? Bakit paawisan ka?"
"Ah w-wala, hinihintay ko lang si Amethyst."
"Edi wow, ipamukha mo pa talaga sa akin na may date kayo."
"Hindi kami magdedate," kabaliktaran pa nga ang mangyayari. "Lalabas lang kami saglit."
"Edi wow ulit. Punta na nga ako sa workshop," paalam niya sa akin.
Tinanguan ko lang siya. Pinanood kong maglakad palayo si Dre. Matalino si Dre pero imbes na sundan niya si Ram-ram sa engineering, mas pinili niyang maging panday tulad ng tatay niya. Malayo pa ang mararating ni Andre. Kaya tama 'to. Tama ang naging desisyon ko. Ginagawa ko to para sa mga kaibigan ko, kay itay, at sa iba pang nakatira sa Kaluang. Tatapusin ko lang naman ang sumpa. Walang masama dun.
BINABASA MO ANG
Will Of A Deity
FantasyTitle: Will of a Deity Universe: A Cold World Series: Through The Border Season: I ☘︎☘︎☘︎ Horizon Academy is a school unknown to the outside world. It is founded by a mysterious being they call Headmaster Chaos. It is governed by four student organi...
