Time: 10:00
Location: Hinulugang-Bakal Falls, Kaluang
Yael Cortez
Alas dies na ng makarating kami sa Hinulugang-Bakal Falls. Mahaba kasi ang byahe mula sa amin hanggang dito. Alasais kami umalis ng bahay, ngayon lang kami dumating. Ang lakas ng lagaspas ng tubig sa talon. Sarap maligo!
"Wooooooo!" Sigaw ni Ram-ram ng makita ang talon.
"Hep! Wala munang tatalon, kain muna." Parang nanay na sabi ni Isang.
"Sige po, nay." Sabi ko na lang kaya binatukan niya ako.
"Haahhahahahahahhaha..." tawa ni Dre.
May mga kubo sa paligid ng talon na pwede rentahan. Buti na lang at walang pasok itong tatlo. Si Kuya Don naman hindi makakasama dahil may inaayos pa rin siya para sa conference.
"Excited na ako makita si Amethyst na nakaswimsu-----Aray!"
"Ang manyak mo!" Sabi ko kay Ram-ram pagkatapos ko siyang batukan.
"Bakit? Excited ka rin naman ah!"
"Manahimik ka nga! Isang oh, ang manyak ni Ram-ram!"
"Pag sinilipan ka ng unggoy na yan, pipitikin ko ng goma ang mga mata niya hanggang mabulag siya." Malakas na bulong ni Isang kay Amethyst na kanina pa natutuwang panoorin kami magkulitan.
Hinanap na namin ang kubo na nirentahan namin at dun binaba ang gamit namin. Naghanda muna kami ng mga pagkain tulad ng utos ni Isang. Hinubad ni Ram-ram ang t-shirt niya habang si Dre naman ay nakarashguard na. Si Isang naman ay nakabikini na rin at may suot na parang tapis na malinaw sa bewang. Sanay na kami kay Isang. Isa siyang fire dancer, madalas ganyan ang suot nila pag nagpeperform.
Kita kong lumabas na rin ng cr si Amethyst. Pang itaas lang ng bikini ang suot niya at nakashort sya na itim.
Tangina! Ang puti niya talaga. At ang...no comment.
Agad akong umiwas ng tingin kaya naman dumapo ang tingin ko sa dalawang kupal na nakanganga kay Amethyst. Aba! Mga walanghiya.
"Kayong dalawa, pag di kayo tumigil susunugin na kayo ni Yael." Sabi ni Isang.
"H-Ha? Bakit ako?!" Tanggi ko.
"Sexy," sabi ni Dre habang sumipol naman si Ram-ram. Pinapanood nila si Amethyst maglakad pabalik dito sa kubo namin.
"Malak-------"
"Pag tinapos mo ang sasabin mo Ramon, ipapaanod ka namin sa talon." Banta ni Isang sa kamanyakan ni Ram-ram.
Umupo si Amethyst sa tabi ni Isang na naghahanda ng pagkain. "Let me help," sabi nito at tinulungan si Isang. Tumulong na rin kaming tatlo.
"Amethyst! Tingnan mo," sabi ni Dre habang pinapakita ang hawak niyang kutsilyo. "Ako gumawa nito," sabi niya at ginamit ang kutsilyo para hiwain ang pakwan. Smooth like butter.
"Sus! Bakit kailangan ng kutsilyo?" Yabang ni Ram-ran at biniyak ang mansanas gamit ang mga kamay niya. "May muscles naman ako." Sabi pa niya habang fineflex ang mga biceps niya. Kumikinang ang mga mata ni Amethyst sa mga nakikita niya. Napalibutan ba naman ng dalawang bagay na pinakapaborito niya eh—patalim para makapanakit at taong pwedeng saktan.
"Magsalita ka pag may abs ka na."
"Ikaw nga, wala parehas Andre."
"Mas type ng mga babae ang intellectuals."
"Ako ang engineering student sa ating dalawa."
"Oh asan ang chix mo?"
Nakita kong nakikitawa lang si Amethyst sa sagutan ng dalawa. Mukhang close na rin sila ni Isang, kanina pa sila chismisan ng chismisan. Away-away pa sila, eh kayang biyakin ni Amethyst yang pakwan gamit mga kamay niya lang.
BINABASA MO ANG
Will Of A Deity
FantasyTitle: Will of a Deity Universe: A Cold World Series: Through The Border Season: I ☘︎☘︎☘︎ Horizon Academy is a school unknown to the outside world. It is founded by a mysterious being they call Headmaster Chaos. It is governed by four student organi...
