Prologue

1K 23 1
                                    

Prologue

Chessy Reil C. Salazar

Hanggang ngayon hindi pa 'rin mawala sa isip ko ang mga sinasabi ni Samantha sa akin. How can she? She's my best friend and yet, nagawa niya pa 'rin akong siraan ng ganoon? We've been together for 6 years at hindi sumagi sa isip ko na maririnig ko mismo sa bibig niya ang mga katagang 'yon. This is why I really hate trusting people and I hate myself for trusting her.

Tuluyan ng nagsi-patakan ang luhang nagkukubli sa aking mga mata habang lumalabas ng aming eskwelahan. Mabilis akong nagpara ng tricycle at sumakay. Inilabas ko ang cellphone at tinawagan ang aking Mommy kahit napupuno ng luha ang aking mata. It rang for almost three, and she answered..

"Yes, Riel Anak," masiglang bati ni Mommy sa akin. Maingay ang paligid niya at halatang nasa trabaho siya. Itinago ko ang luhang patuloy na dumadaloy sa aking mga mata..

"Mom, it's about your offer to me."my voice broke.

"Offer?" litong tanong niya.

"Opo, about me studying there?" she stopped and I know that she's happy about this..

"Pupunta ka na dito?" hindi makapaniwala na tanong niya, natutuwa dahil sa sinabi ko.

"Opo." sagot ko.

"Teka, hindi ba nasa kalagitnaan na ng taon ang klase?" I sighed deeply. Mas lalong tumulo ang luha sa mata ko. Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa kanila. Natatakot ako sa magiging reaksyon nila.

"Mom, can you just let me go with you before I change my mind?" Malakas ang buntong hininga na pinakawalan niya bago nagsalita ulit.

"Okay, wait for my call maybe after 10 minutes. I will inform your Dad about this. Okay?"

"Thank you Mommy." And I hang up. Dinala ako ng sasakyan sa gate ng bahay. Malaki ang aking bawat hakbang patungong pintuan ng bahay, dumiretso ako sa kwarto at nagkulong. Hinintay ko ang tawag ni Mom. Exactly 10 minutes when I received a text from her. .

Mabilis kong sinagot ang tawag niya. "Yes, Mom."

"Nag-usap na kami ni Daddy mo. And he said, 'He will book you a plane ticket tonight." Mommy sighed deeply. "In one condition, when you get here tell us what happened, okay?" Napalunok ako at umayon na lamang sa sinabi ni Mom.

"Okay, get ready. Ipapaalam ka na rin namin sa Lola mo diyan. For sure hindi papayag 'yon pero susubukan kong magpatulong kay Dad. Magdala ka ng ibang gamit sa airport, Dad will text you your plane tickets detail later. Siya din ang magsusundo sayo sa airport. Okay?" Napatango-tango ako sa bilin ni Mom.

"Okay Mom, Thank you."

"See you tonight, Riel. Have a safe flight." at pinatay na niya ang tawag. Saktong pagkapatay ko ng tawag ni Mom ay ang pag pasukan ng mga notification sa aking social media.

Sinubukan kong iwasang hindi buksan ngunit hindi ko magawa. Nakita ko na lang ang sarili kong isa-isang binabasa ang mga panghuhusga sa akin ng aking mga ka-eskwela. At wala akong nagawa kung hindi ang lumuha sa mga masasakit na nababasa.

Sana maging masaya ka Samantha. Sarkastiko kong bigkas sa kawalan.

I deactivated all my social media account. And after that, ay nag-empake ako ng ilang gamit na dadalhin sa Manila. Hindi rin nagtagal ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Dad. Maluha-luha akong pinuntahan nila Lola nang malamang aalis na ako pero wala na rin naman silang nagawa since ako na lang ang natitira sa bahay na ito. My parents and brother are all staying in Manila at ako na lang talaga ang naiwan dito kaya ganun na lang ang pangungulit sa akin nila Dad and Mom na sumunod na sa kanila. But since I have friends here at ayokong iwan ang lugar na nakasanayan ko, walang nagawa sila Mom kung hindi hayaan ako sa gusto ko.

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon