Chapter 4

421 18 0
                                    

Sorry sa mga maling spelling at grammar..
Unedited
----------------------------------------------------


Nakakabinging katahimikan, that’s the exact word to describe their silence, sa sobrang tahimik nilang dalawa maririnig agad pag may multo na nagparamdam dito…

habang tumatagal lalong lumalakas ang dagundong ng puso niya. Naririnig nadin ata ng kaharap ang bawat pintig ng kanyang puso..

Nakayuko lang si Monique habang matiim siyang tinititigan ng lalaking kaharap… para siyang palaka sa isang laboratory na masusing pinag aaralan ng isang mag aaral.

hindi siya mapakali… pawisan nadin ang kamay niya kahit hindi naman talaga iyon dating pinagpapawisan…

Bahagya niyang inangat ang mukha para tignan ang kaharap, hindi siya dapat mag padala sa nararamdaman… she needs to be strong… it’s now or never…. Focus…. Focus…. Kaya mo yan Monique.. go! Pag checheer niya sa sarili sa isipan.

Pero ng maglapat ang kanilang mga mata at tila tinakasan siya ng tapang… parang gusto nalang ulit niyang yumuko at manliit..

shit!! Bakit ba ang ganda ganda ng mata ng lalaking ito, ang mga mata nito ang talagang nakakuha ng atensyon niya noon.
he has this brown eye na tila palaging may sinasabi…

kalalaking tao pero napakalantik ng mga pilik mata ng walanghiya.. mas mahaba pa ata ang mga pilik mata nito kesa sa kanya… pupusta siya na may lahing bakla ang mga pilikmata nito, tikwas na tikwas… sarap bunutin at ilipat sa kanya…
Biglang tumaas ang kilay nito.. at may nakakalokong ngiti na sumilay sa mga labi nito.. para naman siyang nahimasmasan sapag taas ng kilay nito..

“uuhhmmmm” she cleared her throat…
“nandito ako para sabihin sayo na wag mong ipapa-alam kay Lei na magkakilala tayo, lalaong lalo na.. wag mong sasabihin sa kanya na ex kita.. at mag panggap ka na hindi mo ako kilala”
Tuloy tuloy niyang pahayag… tahimik lang ang lalaki sa harap niya.. mukhang wala namang problema dito dahil wala naman itong reaksyon…

“mukha namang okay sayo ang mga sinabi ko, kaya aalis nadin ako” hindi ako pwedeng mag tagal dito…
Aktong tatayo na siya ng bigla itong mag salita
“bakit?” nabaling ang atensyon niya dito
 “bigyan mo ako ng magandang dahilan kung bakit kita susundin”

Muli siyang napaupo…. Bigla siyang  nalito… shit pano ba nia ipapaliwanag… isip Monique.. matalino ka diba makakaisip ka ng dahilan….

Pinag aralan niya ang reaction ng lalaking kaharap… seryoso itong nakaupo sa harap niya… pinag aaralan din bawat reaction niya…
kailangan niya itong makombensi… kundi lagot na…. halang ang bituka ng lei na yon kaya hindi siya pwedeng mabiko… by hook or by crook kailangan niyang mapapayag si brent.

“seloso kasi si lei”
panimula niya.. pinag aaralan nia padin bawat reaction ng mukha nito habang inaabsorb ang mga sinasabi niya…

“mahal ko siya brent", bahagya siyang tumigil…shit nakakasuka pero kailangan niya itong makombinsi….

“hanggat maaari iniiwasan ko na magkaroon siya ng dahilan para iwan ako, kaya sana wag mo na lang banggitin yong nakaraan natin s--”

“what if hindi ako pumayag?”
bigla nitong sabi.

“bakit ka naman hindi papaya?”
brent alam ko nasaktan kita, I have my reasons though…
pero napakatagal na nun… mukha namang okay kana.. I hope we can leave the past where it belongs and move on with our lives now…”

“So ganun ganun na lang yon? ….. iniwan mo ako ng walang pasabi.. hindi ka nag paramdam…

tapos babalik kang kabit ng mayamang chinese… pupuntahan mo ako dito at sasabihin sakin na mag panggap na hindi kita kilala… na parang walang nangyare…? “

(Silva Series Book 1) Alexous Brent Silva - CompletedWhere stories live. Discover now